BALIK primetime si Barbie Forteza simula ngayong gabi sa TV adaptation ng GMA Network sa hit movie ng Regal Films noong 1984 na Anak ni Waray vs. Anak ni Biday.Isa sa mga pambato ng Siyete si Barbie, na tinatawag nilang Kapuso Primetime Princess at deserving siya sa title na ito. Nagiging top rater ang mga teleserye niya dahil gusto siya ng maraming young adult audience.

20200126_133359

Hindi lang dahil maganda, maputi at malakas ang karisma kundi mahusay makisama sa katrabaho man o sa fans. Role model siya ng marami.Katunayan sa napakalaking tiwala kay Barbie ang big stars na ibinigay sa kanya bilang suporta.

Makakasama ni Barbie ang gino-groom ng GMA-7 para maging next Kapuso brightest star na si Kate Valdez.

Eleksyon

Philip Salvador, masayang number 1 sa boto 'beshy' na si Sen. Bong Go

Sila ang matalik na magkaibigan na magiging mortal na magkaaway. Si Migo Adecer ang kanilang leading man.Dahil Waray at Ilocana ang mga bida pati na ang kani-kanilang angkan, itatampok din sa serye ang famous tourist destinations ng Leyte at ng Ilocos tulad ng San Juanico Bridge at ang Paoay Sand Dunes.

Maganda ang pagkaka-update sa plotline at characterization ng characters dahil bilang Caitlyn ay gaganap na blogger si Kate at magiging supportive sa endeavors niya si Ginalyn na gaganap naman bilang Ginalyn.

Kuwento ni Barbie, bukod sa pag-aaral ng Waray dialect ay sumailalim din siya sa immersion sa kultura ng mga taga-Leyte na ire-represent niya. Naging aware siya sa pamumuhay, pagpapahalaga sa trabaho at sa pamilya ng mga Waray.

“Nakakatuwa kasi parehas na may strong personality ang mga taga-Leyte at Ilocos,” wika ni Barbie. “Ang sarap gampanan ng role ko kasi very empowering siya especially sa mga kababaihan. Kilala ang mga Waray na palaban at hindi papatalo.”

Tulad ng maraming kahenerasyon, halata kay Kate na may paghanga rin siya kay Barbie.

“Noong workshop pa lang, sobrang ramdam ko na very warm si Barbie,” kuwento ni Kate.

“Naramdaman ko ‘yung care niya sa akin as an ate. Kaya excited ako na maka-work ko pa siya sa maraming eksena.”Gaganap bilang Waray si Snooky Serna at papel naman ni Biday ang gagampanan ni Dina Bonnevie. Gumanap si Snooky bilang anak ni Biday sa original film.“Ang version namin ngayon, they put a little bit more of drama in it,” ani Snooky.

“It’s not a complete copy of the original story. They give it a different twist altogether so we have a different story. Ang pareha lang ay sina Waray at Biday, perennially mortal enemies talaga sila.” “After a long time, Snooky and I will be working together again,” sabi naman ni Dina.

“I really welcomed it because I haven’t done comedy in a long time. Excited ako kasi kakaiba and I won’t have to cry buckets of tears.”

Si Jay Manalo ang gaganap sa lalaking pinag-agawan nila at naging ugat ng kanilang giyera patani.Ang iba pa nilang makakasama sa Anak ni Waray vs. Anak ni Biday ay sina Teresa Loyzaga, Faith da Silva, Jean Saburit, Tanya Montenegro, Benedict Cua at si Ms. Celia Rodriguez.Bilang young Snooky at young Dina, gaganap naman sina Max Collins at Lovi Poe. Si Jason Abalos naman ang papapel bilang binatang Jay Manalo.

Sa teasers pa lang, umaatikabong sampalan na ang napapanood. Mula sa direksiyon ni Mark Sicat dela Cruz, ang Anak ni Waray vs. Anak ni Biday.

-DINDO BALARES