August 14, 2026

Home BALITA National

PCSO: Laguna bettor, nakapag-uwi ng ₱31.9M jackpot sa Lotto 6/42

PCSO: Laguna bettor, nakapag-uwi ng ₱31.9M jackpot sa Lotto 6/42
FILE PHOTO BY JANSEN ROMERO (MANILA BULLETIN)

Isang mapalad na mananaya ng lotto mula sa Laguna ang nakapag-uwi ng ₱31.9 milyong jackpot prize ng Lotto 6/42 na binola ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong gabi ng Huwebes, Agosto 13, 2026.

Sa abiso ng PCSO, nabatid na matagumpay na nahulaan ng lucky bettor na mula sa Alaminos, Laguna ang winning combination ng 20-21-14-41-06-12 ng Lotto 6/42 kaya’t napanalunan nito ang katumbas na jackpot prize na ₱31,911,511.47.

Pinayuhan naman ng PCSO ang masuwerteng mananaya na magtungo sa kanilang punong tanggapan sa Mandaluyong City at magprisinta ng dalawang balidong IDs at winning ticket upang makubra ang kanyang premyo.

Anang PCSO, ang lahat ng premyong lampas ng ₱10,000 ay papatawan ng 20% tax, alinsunod sa TRAIN Law.

Mayroon lamang naman anilang isang taon ang lotto winner, mula sa petsa nang pagbola, upang kubrahin ang kanyang premyo.

National

Pax Silica, tinatayang kokonsumo ng 65-90 milyong litro ng tubig kada-araw!

Nagpaalala rin ang PCSO na ang lahat ng premyong hindi makukubra matapos ang isang taon ay awtomatikong mapo-forfeit at mapupunta sa kawanggawa.

Muli ring hinikayat ni PCSO General Manager Melquiades Robles ang publiko na patuloy na tangkilikin ang kanilang mga gaming products upang mas marami pa silang matulungan na mga kababayan nating nangangailangan.

Ang Lotto 6/42 ay binubola tuwing Martes, Huwebes at Sabado.