August 14, 2026

Home BALITA National

Babala ng DENR-MGB: 3,756 barangay posibleng makaranas ng landslide, pagbaha

Babala ng DENR-MGB: 3,756 barangay posibleng makaranas ng landslide, pagbaha
Photo courtesy: via MB


Nagbabala ang Department of Environment and Natural Resources - Mines and Geoscience Bureau (DENR - MGB) na aabot sa 3,756 barangay sa buong Pilipinas ang maaaring makaranas ng rain-induced landslide at flooding, bunsod ng patuloy na pananalasa ng southwest monsoon o habagat sa malaking bahagi ng bansa.

Ayon sa ulat na ibinahagi ng DENR-MGB Operations Center sa kanilang Facebook page nitong Biyernes, Agosto 14, balido ang naturang numero mula noong Huwebes, Agosto 13, hanggang sa darating na Linggo, Agosto 16, dakong 8:00 ng gabi.

Anang ahensya, nakabatay ito sa rainfall forecast ng Department of Science and Technology - Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (DOST-PAGASA) para sa susunod na tatlong araw; at maging sa kanilang geohazard susceptibility maps.

Base sa DENR-MGB, ilan lamang din sa mga dapat gawin ay ang pagiging alerto sa antas ng baha; pagbibigay-alam ukol sa senyales ng paggalaw ng lupa; at iulat sa mga kinauukulan ang mapapansing bitak sa mga pader o poste.

“Antabayanan ang mga susunod na advisory para sa mga pagbabago sa ulat ng panahon,” paalala ng ahensya.

National

Pax Silica, tinatayang kokonsumo ng 65-90 milyong litro ng tubig kada-araw!