ILANG araw pagkatapos ianunsiyo ng Dreamscape ang pagka-comeback sa telebisyon ni Julia Montes, inumpisahan na ng aktres ang kanyang training para sa seryeng 24/7 na mapapanood na ngayong taon. Isang action series ang nasabing serye, gaya ng kanyang huling serye sa Kapamilya, ang Asintado taong 2018, kaya’t kinakailangang magsanay muli ng kanyang action routines si Julia.

Julia M.

Nitong Huwebes, January 23, isang teaser ng nasabing project ang ipinost sa posted sa Instagram account ng Dreamscape Entertainment, a content provider division of ABS-CBN. Ang Dreamscape din ang nag-produced ng mga nakaraang programa ni Julia gaya ng Ikaw Lamang (2014), Doble Kara (2015), at Asintado.

Sa nasabing video, ipinakita kong gaano kasigasig si Julia sa kanyang training. Ipinangako naman ng aktres sa kanyang mga tagahanga at supporters that they will be seeing a “new Julia.”

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

“For this show, nag-training kami ng arnis, saka nag-firing din, para meron kayong bagong makikitang Julia sa akin,” pahayag ni Julia.

“Matagal ring hindi nagfa-firing, then bumalik ako for this show.Bagong Julia ulit ang makikita nila kasi talagang pinaghandaan po ng buong Dreamscape family ito,”ayon pa sa aktres.

Sa magkakasunod na eksena, mapapanood si Julia doing arnis training and firing a pistol as part of her firing refresher course gaya ng nauna na nitong training habang ginagawa ang “Asintado”.

Tagline ng bagong serye ni Julia ang, “Oras na para sa pagmamahal na ‘di nauubos, hindi napapagod, hindi nagpapahinga.

-Ador V. Saluta