ISA ang pelikulang Untrue nina Xian Lim at Cristine Reyes na idinirek ni Sigrid Andrea Bernardo produce ng Viva Films at line produce ng IdeaFirst Company sa inaabangan ng lahat na nakapanood ng trailer.

cRISTINE AT XIAN

Sa tuwing may premiere night ang Viva Films ay parating kasama ang full trailer ng mga upcoming movies nila at kasama ang Untrue na nagtatanungan kung kailan ito ipalalabas sa mga sinehan.

Sa bansang Georgia ang lokasyon ng pelikula na tanda namin sa kuwento ni direk Sigrid ay mahigit isang buwan silang naroon iba pa ‘yung nagpunta siya para mag ocular.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

Base sa trailer ay parehong stranger sa bansang Georgia sina Xian at Cristine hanggang sa nagkakilala’t nagkagustuhan at nagpakasal kaagad na hindi muna nila kinilala ang isa’t isa dahil nu’ng nagsasama na ay saka lang nila nalaman na pareho silang may topak.

Psycho-thriller ang genre ng Untrue kaya curious ang mga gustong makapanood kung paano at sino talaga ang may sayad sa dalawang bida.

Hirit namin sa mga nakapanood ng trailer ay si direk Sigrid ang may topak sa kanilang tatlo dahil siya ang nagsulat at nag-direk. Para mabuo mo ang ganu’n klaseng kuwento, may porsiyentong may sayad din siya. Sabagay, lahat naman ng artist aning-aning.

Anyway, parang tumugma rin kina Xian at Cristine ang mga karakter nila dahil for sometime ay dumaan sa ganitong phase ng buhay nila ang dalawa.

-Reggee Bonoan