SI Yassi Pressman ang nagsalita sa pagkakasangkot ng kapatid niyang si Issa Pressman sa breakup ng bff niyang si Nadine Lustre at ni James Reid. Pinost nito ang photo nila ng aktres kasama ang mahabang pahayag.

nadine at yassi - nitz

Ayon kay Yassi: “Hindi po papatol ang kapatid ko sa mga sinasabi ninyo. Pero bilang Ate, hindi ko naman po yata kayang panuorin na patuloy po siyang binabato ng mga masasakit na salita dahil nananahimik siya.

“This was me and nadz last night, watching how some of us become cruel over untrue statements.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

“ Initially we all laughed about how crazy the things that woke us up yesterday were, and then... they started getting out of hand, at din a yun tama.

“Ayaw na po sana namin patulan, but we decided to post something because cyber-bullying is not okay, it is never okay.

“ Be careful with the words you say, and things you THINK are true on social media. They’re not always the truth. Do not be so quick to point fingers, when you do not have the proper information. #thinkbeforeyouclick.”

“We’re all okay. Sana po kayo din. Let’s respect everyone.”

Sumagot si Nadine ng “Love u both” na sinagot din ni si Yassi ng “@nadine we love u back bb.”

Natuwa ang mga nakabasa sa convo nina Nadine at Yassi dahil ang ibig sabihin, hindi totoo ang James at Issa relationship. Dahil naman sa post ni Yassi na picture nila ni Nadine, nalaman nilang okay si Nadine, kaya masaya na sila.

Pero may mga nagpaalala kay Nadine na ‘wag siyang tatanga tanga at may nag-comment na ‘wag siyang pumayag na maging tagalinis sa kalat ni James. May nagpaalala rin sa kanya na ‘wag maging masyadong mabait para lang protektahan si James at ang career nito.

-Nitz Miralles