TAOS-PUSO ang pasasalamat ng beterano ng para powerlifting na si Adeline Dumapong-Ancheta sa pamunuan ng Philippine Sports Commission (PSC) sa buhos na suporta ng ahensiya sa kanyang kampanya sa lahat ng mga kompetisyon na kanyang nilahokan, lalo na nga sa nalalapit na ASEAN Para Games.

Ayon kay Ancheta, malaki ang naitulong ng PSC sa kanyang karera bilang atleta kung saan nabigyan umano siya ng pagkakataon na makalahok sa mga kompetisyon sa labas ng bansa.

“Malaking bahagi ang PSC sa buhay ko. Kung bakit ako nabigyan ng pagkakataon na makapag-compete sa iba’t ibang international competitions,” pahayag ng 46-anyos na si Ancheta,.

Taong 1997 nang nag-umpisang lumahok si Ancheta sa powerlifting competition kung saan buhat sa kanyang monthly allowance na P27,000, kumukubra na ngayon ng kabuuang P36,000 si ancheta dahil sa kanyang angking galing pagdating sa larangan ng powerlifting.

Tatay kay Karl Eldrew: 'Tahimik mong ipanalo mga pangarap mo, dito kami ng Mama mo!'

Ito ay matapos na lumahok si Dumapong-Ancheta sa 5th Paralympic Games noong 2016 na ginanap sa Rio de Janeiro, sa Brazil, kasunod ang pagkopo ng bronze medal sa nakraang 2018 Asian Para Games na ginanap sa Jakarta, Indonesia.

Ang tubong Kiangan, Ifugao, na si Ancheta din ang kauna-unahang Filipino para-athlete na nag-uwi ng medalya buhat sa Summer Paralympic Games buhat sa Sydney, Australia.

“The PSC has taught me to have more confidence, to have a better outlook on myself, and be proud. They have given me the opportunity to represent the Philippines and be able to give glory to our country,” ani Ancheta.

Sa ngayon ay kinikilala na bilang top para powerlifter si Dumapong-Ancheta sa kanyang 82-kilogram women’s category sa buong Southeast Asia kung saan nagwagi ito ng 7 gintong medalya at 1 silver medal sa huling walong edisyon ng ASEAN Para Games (APG) kung saan tampok ang mga atletang may kakayahan sa sports sa kbila ng kanilang pagiging kakaiba sa karamihan.

“To the Philippine Sports Commission, thank you very much po. Mula po sa taas hanggang po sa baba. Isa po ako sa mga tinulungan ninyo. Maraming-maraming salamat at mabuhay po kayo,” pahayag ni Ancheta.

-Annie Abad