BAGAMA’T hindi naging sandigan sa krusyal na pakikihamok ng Meralco sa Ginebra sa PBA Governors Cup, binigyan ng ‘reward’ ng Bolts si Raymond Almazan.
Ipinahayag ng Bolts management na lumagda ng bagong kontrata – three-year maximum contract – ang 6-foot-5 na si Almazan. Nakuha ng Meralco ang palabang si Almazan anng itrade ng Rain Or Shine sa mid-season trade kapalit ng dalawang first-round pick.
Sa kasamaang palad, hindi natapos ni Almazan ang title series kung saan muling natalo ang Bolts ng Barangay Ginebra makaraang magtamo ng meniscal tear sa kanyang kaliwang tuhod noong Game 3 na naging isa sa malaking dahilan ng kanilang pagkabigo.
Bago na-injured, nagtala ang dating NCAA MVP ng average na 17.5 puntos, 11.0 rebounds at 1.5 blocks sa unang dalawang laro ng finals.
Kaya naman ramdam ng Bolts ang malaki nyang kawalan noong Game 4 at 5 na naging dahilan ng ikatlong kabiguan nila sa Kings sa finals ng Governors Cup sa loob ng nakalipas na apat na taon.
Ngunit inaasahan ng hindi pa rin makakalaro ang dating Letran Knights sa bungad ng darating na Philippine Cup na magbubukas sa Marso 1 bilang panimula ng PBA 45th season dahil kinakailangan nyang sumailalim sa operasyon at magpahinga ng anim na linggo.
-Marivic Awitan