NANG ipadala sa amin ni Daddie Wowie ang pictorial niya kay Marion Aunor ay tinitigan naming mabuti kasi parang hindi siya. Baka kasi kamukha lang o gino-goodtime kami ng kilalang talent manager nina Manila Mayor Isko Moreno at anak nitong si Joaquin na pinasok na rin ang showbiz at kasama na sa GMA Artist Center.

MARIONE

Sabi namin kay Daddie Wowie, paano nangyaring si Marion, e, kilala namin siyang ‘manang’ or balot kung magdamit.

“Ha ha ha tagal bago ko nakumbinsi, ‘di alam ng nanay kasi umalis during pictorial may meeting pagbalik nagawa ko ‘yan bahala na pag-inaway ako he he he,” masayang sagot sa amin.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Dagdag pa, “Repackage ng image for 2020. what do you think? Ako nag photoshoot at nag-styling kay Marion Aunor.”

Sabagay, ang tagal na ni Marion sa music industry at napakarami na rin niyang hit songs simula nang manalo siyang 3rd place sa Himig Handog 2013. Songwriter din ang dalaga at ang kantang sinulat ay movie theme songs tulad ng Akala (The Day After Valentine), Maling Pag-ibig (Hanggang Kailan), If You Ever Change Your Mind (Apoy sa Dagat) at Delikado (Just A Stranger) pero hindi pa niya nararating ang rurok ng tagumpay, dahil din kaya sa imahe?

Kaya ito ang naisip ni Daddie Wowie na baguhin ang kanyang looks na ngayon ay sensual na ang dating ni Marione minus the surname Aunor.

-Reggee Bonoan