HAYAN, umamin na sina James Reid at Nadine Lustre na hiwalay na base sa ipinadala nilang official statement sa Tonight with Boy Abunda nitong Lunes nang gabi na binasa ng host.

JAMES AT NADINE

Isa kami sa nagsulat na hindi pa hiwalay ang dalawa base sa mga ipinadalang litrato ng supporters sa direct message at sa mga nakita rin naming posts na magkasama ang Jadine nitong Bagong Taon. Maging ang mga kaibigan nilang si Coleen Garcia ay nagsabing magkakasama sila at wala siyang nakitang kakaiba.

May nasulat din kaming may ‘inaayos’ ang JaDine base rin sa common friend namin na direkta niyang nakakausap si Nadine.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Nasulat din namin ang tungkol ginanap na pictorial para sa Mega Magazine na ginanap sa Rio de Janeiro, Brazil ay hindi sila magkasama sa iisang cover, sa Mega Man si James at sa Mega Mag naman si Nadine.

Ayon sa aming source na kunektado sa pictorial, “hiwalay sila ng mag kasi hiwalay na, charot!”

At kahapon, binalikan namin ang aming source, “’di ba nga, biniro kita, pero civil nga sila at November pa sila hiwalay.”

Pero ang nakagugulo ng utak namin sa kuwentong, “kunwari hiwalay para sa career.”

M a r a m i n g k u w e n t o ang aming source na hindi puwedeng isulat dahil naka NDA (nondisclosure agreement) siya.

Ang masasabi lang namin, sobrang mahal nina James at Nadine ang isa’t isa kaya anuman ang napagkasunduan nila sa ngayon, sana maging maayos.

Ang sarap itanong sa JaDine, ano ang nasa likod ng hiwalayan kung totoo talaga

-REGGEE BONOAN