HINDI na hinintay ni Angel Locsin na may magtanong kung naipamigay niya sa evacuation centers at evacuees ang kanilang donation na kinalap ng aktres at mga nakatulong nito sa pagpa-pack at pagdi-distribute ng relief goods.

ANGEL LOCSIN

Naka-itemized sa kanyang Instagram (IG) ang donation goods na ibinigay kina Angel at hindi na kailangang magtanong pa ang donors na naka-post din ang mga pangalan.

Post ni Angel: “Team effort! Nagpapasalamat po kami ni Lyn Garcia, my fiance Neil Arce, at kapatid ko na si Angela sa lahat po ng nag-volunteer na magdamag na nag-repack, nagbuhat, at nag-distribute ng goods para makatulong sa mga apektado ng

Relasyon at Hiwalayan

Kobe Paras, naka-three point shot na ba sa puso ni Kyline Alcantara?

Bulkang Taal. Sa mga kusang nagbigay po ng donasyong goods and cans, maraming salamat po.

Nakapag-distribute po tayo sa 3 evacuation centers na di malimit na mapuntahan, at nakapaghatid tulong din sa isa pang evacuation center.

Ang total po ng na-repack nating goods ay:

3,126 Food packs

1,760 Hygiene Kits

200 pcs Towels

100 pcs Blankets

Sana po maski paano, nakagaan po ito sa hirap na nararamdaman ng mga apektado sa sakunang ito. Karamay nyo po kami.

PS: I decided to post the items and make an accounting this time para po malinaw sa mga nag-donate kung saan po napunta ang tulong po nila.

Kino-congratulate si Angel na laging nangunguna sa pagtulong sa mga nabibiktima ng kalamidad sa bansa. Samantala, isinusulong tuloy ni Agot Isidro si Angel na mamuno sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).

-Nitz Miralles