ISANG event na bumubuo sa solid fandom ng AlDub Nation (ADN), mga fans ng phenomenal love team na sina Alden Richards at Maine Mendoza, na idinaos last Saturday, January 18, sa La Chandallle Events Place in Quezon City.

Alden

Titled At Night To Remember With Alden & Maine, na dinaluhan ng more than three hundred fans, iyong dati na at new members din. Five years of friendship ang taguri ng mga fans dahil five years na silang magkakasama at magkakaibigan simula nang mabuo ang love team ina Alden at Maine last July, 2015.

Mula sa “Sinulog 2020” celebration sa Cebu, last Saturday, naging representative ng Eat Bulaga sina Maine, Paolo Ballesteros at Allan K kasama nila ang mga naging Miss Millennial Philippines 2018 and Miss Millennial Philippines 2019.

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

Bumalik rin agad sa Manila si Maine para nga mag-attend ng ADN event.

Hindi naman nalungkot ang mga fans kahit wala si Alden, naiintindihan daw nila na may trabaho ito. Noong umaga kasi, pumunta pa si Alden sa mga evacuation centers sa Taal para mamigay ng relief goods sa mga kababayan. Kinahapunan, from Taal, kailangan niyang mag-report na sa rehearsal at taping ng Sunday show nilang All-Out Sundays, kaya nagpadala siya ng video message sa kanilang mga fans na hindi siya makakarating at ipinakita pa niya ang pagri-rehearse nila. Nag-sorry si Alden na hindi siya nakadalo at nagpasalamat siya sa lahat ng mga dumalo.

Nakipag-selfie naman si Maine sa mga fans at nagpa-group-picture sa kanila.

Nagpasalamat din si Maine sa mga fans nila ni Alden: “Maraming salamat sa patuloy na support ninyo sa amin ni Alden kahit may kani-kaniya kaming project.”

Sagot naman ng ADN: “These are the people who will love you no matter what. We love you both!”

-NORA V. CALDERON