HINDI naman pala inililihim ni JC Santos na magiging daddy na siya at ang ganda pa nga ng ngiti nang sabihin sa mga reporter sa presscon ng Viva Films movie na On Vodka, Beers, and Regrets na next month na manganganak si Shyleena Herrera.

JC

“Eight months na siyang buntis, baby girl. Kinakabahan na ako at gusto ko ako ang mag-alaga,” ang sabi ni JC.

Nang tanungin kung ano ang magiging pangalan ng kanilang baby girl ng kanyang misis, ang sagot, paglabas na lang namin pag-iisipan ng name.”

Tsika at Intriga

Nadia Montenegro sa paglaya ni Ricardo Cepeda: 'Finally, an innocent man is free!'

Tama pala ang basa niyo, “misis” na ni JC si Shyleena dahil sa interview sa kanya ni Allan Diones, inaming kasal na sila noon pang September 2019. Kaya may rason kung bakit ayaw na nitong balikan ang natapos na niyang relasyon.

Anyway, kahit naman malaman ng moviegoers at ng fans na may asawa at magkakaanak na si JC, siguradong susuportahan pa rin nila ang mga pelikula ng aktor, gaya nga nitong On Vodka, Beers, and Regrets na showing sa February 5, 2020 sa direction ni Irene Villamor. Hindi rin ma-explain nina Bela Padilla at JC kung bakit may chemistry sila kahit wala naman silang relasyon.

Former child star at nalaos na aktres at naging alcoholic na si Jane Pineda ang role ni Bela sa pelikula at si JC ay si Francis, vocalist ng banda ng bar na pinupuntahan ni Jane. Ang ending ng story, malalaman n’yo ‘pag pinanood niyo ang pelikula.

-Nitz Miralles