NAGING doble ang selebrasyon ng San Juan-Go-for-Gold nang makumpleto ni John Wilson ang scoring mark sa 109-99 panao kontra Pasig-Sta. Lucia nitong Sabado sa Chooks-to-Go/MPBL Lakan Cup sa FilOil Flying V Centre sa San Juan City.

NAGAWANG makaiskor ni Robbie Manalang ng Pasig sa fast break play laban sa San Juan

NAGAWANG makaiskor ni Robbie Manalang ng Pasig sa fast break play laban sa San Juan

Nakasama si Wilson sa ‘elite list’ na may 1000- puntos nang maisalpak ang three-pointer may 4:35 ang nalalabi sa laro. Tumapos ang dating Jose Rizal University mainstay ng 24 puntos para sa kabuuang 1,020 career scoring mark.

Umusad ang San Juan sa 22-3 sa Northern Division.

May cash incentives din; Karl Eldrew Yulo, tumanggap ng ₱500K mula kay Chavit!

“Kay John, siyempre nakita naman namin na talagang masipag yung bata. Talagang tinrabaho niya yung nakuha niya ngayon, he deserves yung pagkakakuha niya sa achievement na ‘yon,” pahayag ni San Juan head coach Randy Alcantara.

Mula sa dikitang laban, umabante ang Knights sa naibabang 15-6 run sa pangunguna nina Wilson at Mike Ayonayon para sa 56-45 bentahe sa second half.

Napanatili ng Go-for-Gold ang bentahe sa kabila ng paghahabol ng Realtors.

Tumipa si Ayonayon ng 18 puntos, walong rebounds at limang assist, habang kumana sina Art Aquino at Orlan Wamar ng tig-12 puntos.

Nabuhayan naman ang tsansa ng Bacolod-Master Sardines na makahirit ng playoff ang pabagsakin ang Basilan-Jumbo Plastic, 96-89.

Nagsalansan si Pao Javelona ng 21 puntos, limang rebounds, at limang assists para sa

Masters Sardines na umusad sa No.11 sa Southern Division (9-16).

“We’re not thinking of our chances, what we’re doing right now is to play and enjoy also to win as much as we can,” pahayag ni Bacolod head coach Vic Ycasiano.

Nahila naman ng Bacoor City, sa pangunguna ni Gab Banal,a ng winning streak sa anim nang pabagsakin ang Muntinlupa-Angelis Resort, 98-67.

Hataw si Banal sa naiskor na 11 puntos, 12 rebounds, at 10 assists para sandigan ang Bacoor sa 21-5 at No.2 spot sa Southern Division.

“We just need to stay steady, stay humble and hungry, just keep putting the work and trusting the work. The result will show,” pahayag ni Bacoor head coach Chris Gavina.

Iskor:

(Unang Laro)

San Juan-Go for Gold (109) – Wilson 24, Ayonayon 18, Aquino 12, Clarito 12, Wamar 12, Rodriguez 7, Tajonera 6, Ubalde 4, Victoria 3, Subido 3, Bonifacio 2, Reyes 2, Isit 2, Estrella 2, Bunag 0.

Pasig-Sta. Lucia (99) – Teng 31, Najorda 21, Nimes 17, Gotladera 13, Manalang 8, Mendoza 7, Velchez 2, Medina 0, Chavenia 0

Quarterscores: 25-23, 56-45, 80-69, 109-99

(Ikalawang Laro)

Bacolod-Masters Sardines (96) -- Javelona 21, Villahermosa 15, Cañada 14, Haruna 14, Adamos 11, Camacho 8, Custodio 6, Gayosa 4, Tansingco 3, Charcos 0

Basilan-Jumbo Plastic (89) -- Bulanadi 33, Collado 15, Dagangon 9, Lunor 6, Bautista 6, Palencia 4, Gabo 3, Alanes 3, Sorela 3, Dumapig 3, Hallare 2, Balucanag 2, Manalang 0

Quarterscores: 18-28, 48-53, 72-67, 96-89

(Ikatlong Laro)

Bacoor City (98) – Banal 13, Sumalinog 13, Ramirez 13, Canete 11, Montuano 10, Melencio 7, Acidre 6, Mabulac 6, Aquino 6, Acuna 4, Miranda 4, Ochea 3, Andaya 2, Malabag 0

Muntinlupa-Angelis Resort (67) – Ortouste 21, Moralde 10, Ylagan 9, Enguio 7, Mag-isa 7, Rebugio 7, Salaveria 2, Pamulaklakin 2, Po 2, Reyes 0, Buenaflor 0, Gonzales 0

Quarterscores: 27-14, 52-29, 77-52, 98-67