KABILANG si Paolo Ballesteros sa nag-like sa post ni Martin del Rosario nagpapasalamat sa pananalong Best Leading Male Performance-Digital sa katatapos na 24th Asian Television para sa Born Beautiful na napanood sa Cignal TV.

Martin

“Truly honored to receive the Best Leading Male Performance award from the Asian Television Awards,” post ni Martin sa Instagram (IG).

Director Perci Intalan, the director of Born Beautiful also congratulated Martin. “Congratulations again and again @martinmigueldelrosario! You deserve this! #bornbeautiful.”

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Nagbunga ang hirap ni Martin sa shooting ng Born Beautiful sa kanyang pananalo. Sa interview namin sa kanya nang bumisita kami sa shooting, nakuwento nito ang hirap niya sa pagganap sa role ni Barbs. Mula sa pagsusuot ng wig, make up, pagsusuot ng damit pambabae, pagsusuot ng high heels, pati sa pag-ipit sa dapat ipitin at pag-aahit ng balahibo sa buo niyang katawan.

Maaalalang nanalo ring best actor si Martin sa 2029 Pista ng Pelikulang Pilipino para sa pelikulang The Panti Sisters na pinagsamahan nila nina Paolo at Christian Bables.

Sa ngayon, napapanood si Martin sa The Gift ng GMA-7 bilang si Jared, ang kontrabidang half-brother ni Sep (Alden Richards). Kinaiinisan ng viewers ang kanyang karakter na galit kay Sep at gustong patayin ang half-brother.

-Nitz Miralles