NGAYONG gabi magbabalik sa ABS-CBN primetime ang isa sa pinaka-successful na love team ng Dos na sina Liza Soberano at Enrique Gil, sa pamamagitan ng Make It With You.Inaabangan ng televiewers ang Make It With You dahil magbabalik sa romantic-comedy-drama sina Liza at Enrique, ang dating genre na nagpasikat sa kanila nang husto.

FB_IMG_1578809047294

Pagkatapos ng Forevermore at Dolce Amore na parehong umani ng mataas na ratings at ilang hit movie na pawang romcom-drama, nag-experiment sa LizQuen ang ABS-CBN. Pinag-action sila sa Bagani sina Liza at Enrique. Pero tila sadyang hindi para sa genre na ito si Liza, dahil sa Bagani siya aksidenteng nabalian ng buto sa daliri. Naging dahilan din ito para maudlot ang highly anticipated na pagbibida niya sa bagong reincarnation sa pelikula ni Darna.

Nagiging tradisyon na ng romcom-drama TV series ng LizQuen ang pagpapakita ng iba’t ibang bagong lugar sa televiewers. Kung sa Trinidad, Benguet kinunan ang Forevermore at sa Italy ang Dolce Amore, sa Croatia naman naka-set ang mode ng Make It With You. Malalaking stars ang ibinigay na suporta sa LizQuen.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Makakasama nina Liza at Enrique ang nagbabalik-showbiz na si dating Quezon City Mayor Herbert Bautista, Ian Veneracion, Pokwang, Eddie Gutierrez, Katya Santos as Helen at Vangie Labalan. Mapapanood din sa Make It With You sina Hero Bautista, Glen Vargas, Yasmyne Suarez, Fumiya Sankai, Anthony Jennings, Daniela Stranner, Katarina Rodriguez, Jeremiah Lisbo, at Riva Quenery.

Samantala, lalong hinangaan si Liza sa naging kasagutan niya sa tricky question tungkol sa suliranin ng ABS-CBN na ayon kay Pangulong Rody Duterte ay hindi bibigyan ng bagong franchise. Dahil dito, malakas ang agam-agam na magsasara ang network. Kapag natuloy ito, isa sa hindi makakapagpatuloy sa pag-ere ang serye nila ni Enrique.

“I believe that he’s understanding,” simulang sagot ni Liza. “I believe alam naman niyang maraming maaapektuhan. It’s not just the company itself, but all the employees.

“And I’m sure he has a generous heart and an understanding heart. So I hope he wakes up one morning and he thinks about it, and then maging bukas ang puso niya sa lahat ng smaller employees na nangangailangan ng trabaho.”

Lingid sa kaalaman ng karamihan, pangarap ni Liza na maging lawyer. Kahit busy sa shoots ng product endorsements at showbiz commitments, iginagapang niya ang kanyang Psychology course. Ito ang malaking pagkakaiba niya sa maraming young stars, kahit napakalaki na ng kinikita ay patuloy siya sa paglinang ng kanyang utak at personalidad.

-DINDO M. BALARES