GUMAWA ng history ang SB19 bilang unang Filipino act na nag-debut sa Billboard’s Social 50 list.

SB19

Binubuo ang five-member group nina Sejun, Josh, Stell, Ken, at Justin, na pumasok sa 28th spot last week. Nitong Monday, umabot ang grupo sa 19th place, na sinusundan ni Mariah Carey.

Ang Social 50 ay isang weekly ranking ng most active artists sa world’s leading social network sites.

Relasyon at Hiwalayan

Kobe Paras, naka-three point shot na ba sa puso ni Kyline Alcantara?

Bukod kay Mariah, na-outranked din ng grupo sina Harry Styles, Cardi B, Lizzo, at K-pop girl groups na Twice at Blackpink.

Noong Dec. 16, mabilis na na-sold out ang lahat ng tickets ng grupo para sa kanilang Cuneta Astrodome concert sa loob lamang ng tatlong minuto.

Ang SB19 ang unang Filipino boy band na sinanay ng Korean company called ShowBT Philippines.

Kilala ang grupo para sa kanilang mga hit songs na Tilaluha at Go Up. Noong Christmas Day, inilabas ng grupo ang kanilang third single, Alab, sa ilalim na Sony Music Philippines.

-GABRIELA BARON