FIRST post ni Kapuso actor Rocco Nacino sa kanyang Instagram wall ngayong new year ang photo niyang nakatanaw sa view mula sa balcony ng kanyang dream house na ipinatatayo sa Antipolo City. Isa ito sa mga blessings na ipinagpapasalamat niya sa taong ito.

Rocco

“First post para sa 2020. Claiming all your blessings for this year Lord! Konti na lang, Rocco, ‘yan na magiging view mo tuwing umaga. #Hello2020.”

Malapit na ngang matapos ang dream house na ipinatatayo niya at very soon, ready na rin siyang lumipat sa bagong bahay.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

“Mula po ito sa mga blessings na natanggap ko kay Lord at sa pamamagitan ng hard work,” sabi ni Rocco. “Matagal ko nang dream ito at hindi naman Niya ipinagkait sa akin. Kaya salamat po, salamat.”

At very soon, isa pa sa mga blessings na natanggap ni Rocco in 2019, ang makasama siya sa big cast ng upcoming Philippine adaptation ng Korea drama na Descendants of the Sun na pangungunahan ni Dingdong Dantes as the “Big Boss.” Gagampanan naman ni Rocco ang role ni Diego Ramos o si “Wolf”.

“Isa po itong napakalaking project ng GMA Network at tulad ng mga televiewers, gusto rin naming maipapanood na sa inyo ang talagang pinaghihirapan naming project sa simula pa lamang nang mag-taping kami two months ago.”

Ang “Descendants of the Sun” na dinidirek ni Dominic Zapata ay malapit nang mapanood sa Primetime Telebabad ng GMA Network.

-Nora V. Calderon