HINDI sinagot ni Sharon Cuneta ang paghingi ng anak na si KC Concepcion ng dispensa sa pamamagitan ng Instagram post nito sa hindi nito pagpunta sa ASAP Natin ‘To nitong Linggo kung saan nag-celebrate ang Megastar ng kanyang ika-54 kaarawan.

Apl de Ap

Or naka-disable kasi ang comments section ni KC sa IG kaya walang nababasa o baka naman din nag-usap na ang mag-ina ng personal.

Pero tsika ng taong kakilala si Sharon, “may tampuhan na naman ‘yan for sure. Sa hindi pagbanggit ni Shawie ng name ni KC, alam mo na. Napaka-transparent ni Sharon kaya.”

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

At dito nga pumasok ang usaping baka may kinalaman ang isyung tampuhan nina Sharon at KC si Apl de Ap o Allan Pineda ng Black Eyed Peas na nababalitang nali-link ngayon sa dalaga.

Matatandaang nanligaw pala ang international singer kay KC ilang taon na ang nakararaan pero hindi naman ito natutukan ni Apl de Ap dahil abala siya noon sa tour ng grupo, at klinaro niyang hindi siya binasted ng aktres.

Base sa panayam ni Apl de Ap noon para sa programang The Voice Kids, “I was (serious) at the moment, you know. But unfortunately, time didn’t connect well and I got too busy. But, you know, we are still friends. Nothing stopped or anything, we still communicate. Once I found, she had a boyfriend, I kind of stopped texting a little bit.”

Ang boyfriend na tinutukoy noon ni Apl ay si Piolo Pascual.

At dahil may komunikasyon na ulit sina Apl de Ap at KC ay posibleng napag-usapan nila ang nakaraan.

Going back to Sharon ay malalaman ngayong tanghali sa kanyang presscon kung ano ang reaksyon niya sa hindi pagsipot ni KC sa ASAP Natin ‘To at kay Apl de Ap na nai-link sa panganay niya.

-REGGEE BONOAN