SA tagal nang pagkakakilala namin nina Sylvia Sanchez at Papa Art Atayde ay ngayon lang namin nalaman na si Nino Muhlach pala ang dahilan kung bakit sila nagkatuluyan.

Kaya namin pinanood ang vlog ng aktres episode 21 na may titulong Weekend Gateway ay ibinulong sa amin ni papa Art nang dumalo kami sa 50th birthday ni Ogie Diaz nitong Linggo na panoorin namin ang vlog ni Ibyang.

“Panoorin mo, si Nino, maraming revelation,”sambit sa amin ng hubby ni Sylvia.

At kahapon ay pinanood nga namin at nagpunta ng Caliraya Lake ang pamilya Atayde minus Arjo, Gela at Ria nitong Disyembre mula sa imbitasyon ni Nino kasama ang mga anak at asawa.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

Ang saya-saya nina Sylvia habang binabaybay ang daan namili sila ng maraming buko at nag-aasaran ang mag-ama niya at kung anu-ano pa.

Pagdating sa lugar ay sinalubong sila ni Nino kasama ang anak na si Alonzo at talagang napahanga ang pamilya Atayde sa magandang lugar at presko, malayo sa polusyon ng Metro Manila.

Heto na, biglang humarap sa camera si Nino at sinabing, “trivia, ako ang nagpakilala kina Art at Sylvia kaya sila naging mag-asawa?”

Kuwento ng aktres, “tama ‘yun, lumigaya ako kay Art, thanks to Nino, totoo ‘yun. Pero bago ako lumigaya ng sobra-sobra ang dami kong luhang inilabas sa mata ko, pawis at dugo. Alam n’yo kung bakit, ‘yung time na ‘yun ang daming babae ng asawa ko! Pag nambabae ang asawa ko, nambabae si Nino. Kapag nambabae si Nino kasama rin ang asawa ko.”

Dagdag pa ni Nino, “dati probinsyana pa si Sylvia, pag sinabi naming pupunta kami sa ganu’n, sabi lang niya ‘ingat kayo, enjoy.’ Hindi siya puwedeng magtanong ng saan kayo nanggaling, bakit ngayon lang kayo umuwi, pero ngayon, tumapang na, mas matapang na sa aming dalawa ni Art (sabay pakita kay papa Art na tumatawa lang). Ngayon ang nagagalit kay Art, mukha na lang niya.”

At dahil babaero pareho noon sina papa Art at Nino ay nagagalit ang aktor kapag naiiwan siya at hindi niya alam kung saan nagpunta ang asawa ni Ibyang.

“Tatawag si Nino kung nasaan ako at pupuntahan niya ako sa bahay at galit na galit siya kay Art at kay Cheng Muhlach (tito ng aktor) kasi hindi siya sinama, ‘yung dalawa nambabae,” tumatawang kuwento ng aktres.

Hirit ni Nino, “kaya ginawa ko, isinama ko si Sylvia, hinanap namin sina Art, ha, ha.”

Marami pang kalokohang ikinuwento si Nino na hindi na lang naming puwedeng isulat dahil tungkol ito sa sexcapades na itinuro raw sa kanya ng asawa ni Ibyang.

Anyway, ang saya-saya ng weekend gateway na ito at nagyaya ulit ang aktres na bumalik sila dahil presko at masarap sa pakiramdam na.

Habang kumakain ay nabanggit ni Nino kay Art, “imaginin n’yo ha, kung kami ni Art payat, e, di walang Aga Muhlach at Arjo Atayde ngayon? Ang lakas ng tulong sa amin nu’ng dalawa. Sa katawan lang sila lumamang sa amin. Original is always the best. Saan ba nanggaling si Arjo, e, di ba sa ‘yo pare (sabay lingon sa tatay ng aktor).”

-Reggee Bonoan