DALLAS (AP) — Naisalansan ni Luka Doncic ang 15 sa kabuuang 31 puntos sa fourth quarter para sandigan ang Dallas Mavericks sa 123-111 panalo kontra Brooklyn Nets nitong Huwebes (Biyernes sa Manila).

NAKAISKOR si Dallas Mavericks forward Luka Doncic sa kabila nang depensa na ibinakod nina Brooklyn Nets guards Dzanan Musa (13) at Timothe Luwawu-Cabarrot (9) sa kaagahan ng kanilang laro sa NBA. Nagwagi ang Mavs. (AP Photo/Brandon Wade)

NAKAISKOR si Dallas Mavericks forward Luka Doncic sa kabila nang depensa na ibinakod nina Brooklyn Nets guards Dzanan Musa (13) at Timothe Luwawu-Cabarrot (9) sa kaagahan ng kanilang laro sa NBA. Nagwagi ang Mavs. (AP Photo/Brandon Wade)

Nag-ambag si Seth Curry ng 25 puntos at nagawang makasabay ng Mavericks sa kabuuan ng laro, sa kabila ng hindi paglalaro bunsod ng injury nina Kristaps Porzingis at Tim Hardaway Jr.

Kumabig din si Maxi Kleber ng season-high 18 puntos para makaiwas sa unang three-game losing streak sa nakalipas na anim na laro ng Dallas.

Tatay kay Karl Eldrew: 'Tahimik mong ipanalo mga pangarap mo, dito kami ng Mama mo!'

Nanatiling tabla si Doncic kay Jason Kidd sa franchise record na siyam na triple-doubles sa isang season. Kumana rin ang 2019 Rookie of the Year ng pitong assist at 13 rebounds.

Nanguna si Spencer Dinwiddie sa pitong Brooklyn players na umiskor ng double figures sa natipang 19 puntos.

Kumubra si DeAndre Jordan, nalipat sa New York mula sa Dallas sa blockbuster seven-player trade na kinasangkutan din ni Porzingis sa nakalipas na season, ng 10 puntos at 10 rebounds.

THUNDER 109, SPURS 103

Sa San Antonio, naisalba ng Oklahoma City Thunder, sa pangunguna ni Shai Gilgeous-Alexander na may 25 puntos, ang matikas na 30 puntos-performance ni DeMar DeRozan, para maitarak ang panalo laban sa Spurs.

Humirit si Chris Paul ng 16 puntos para sa ika-apat na sunod na panalo ng Oklahoma City.

Limang Oklahoma City players ang umiskor ng double-digits, sa pangunguna ni Dennis Schroder na may 19 puntos.

Hataw naman si LaMarcus Aldridge ng 22 tampok ang 4-for-4 sa three-pointer para sa San Antonio.Naitala niya ang career-high limang three-pointers may dalawang araw ang nakalilipas. Nag-ambag si Gilgeous-Alexander ng 15 puntos sa Thunder.

JAZZ 102, BULLS 98

Sa Chicago, ginapi ng Utah Jazz, sa pangunguna ni Bojan Bogdanovic na may 19 puntos, ang Chicago Bulls.

Ratsada ang Jazz sa 24-4 run sa third quarter para makuha ang siyam na puntos na bentahe tungo sa ika-10 panalo sa huling 12 laro.

Kumikig din sina Donovan Mitchell at Rudy Gobert na may tig-17 puntos.

Nanguna si Zach LaVine sa Chicago na may 26 puntos, habang kumana si Lauri Markkanen ng 18 puntos. Nag-ambag si Wendell Carter Jr. ng 18 puntos at 13 rebounds.

Abante ang Jazz sa 96-88 sa closing minutes bago umiskor ang Chicago ng walong sunod, tampok ang three-pointer ni LaVine para maitabla ang iskor may 1:43 ang nalalabi.

Naisalpak ni Bogdanovic ang dalawang free throw at nasundan ng dunk ni Gobert para muling makabante ang Jazz.

WOLVES 99, WARRIORS 84

Sa Minneapolis, kumana sina Shabazz Napier at Robert Covington ng tig-20 puntos para gabayan ang Minnesota Timberwolves sa dominanteng 99-84 panalo sa kapwa injury-ravaged Golden State Warriors.

Kumana si Naz Reid ng 13 puntos at tumipa si Kelan Martin ng 12 puntos para tulungan ang Minnesota sa paglimita sa Golden State.

Nanguna sa Warriors sina Glenn Robinson III na may 16 puntos at Eric Paschall na may 13 puntos.

Naglaro ang Minnesota na wala sina star player Karl-Anthony Towns at Andrew Wiggins, habang hindi nakalaro sa Golden State si D’Angelo Russell para samahan sa sideline sina two-time MVP Stephen Curry at Klay Thompson.

Sa iba pang laro, tinusta ng Miami Heat, sa pangunguna ni Bam Adebayo na may 15 puntos at 14 rebounds, ang Toronto Raptors, 84-76, habang naungusan ng Charlotte Hornets ang Cleveland Cavaliers, 109-106.