May 30, 2026

Home FEATURES Human-Interest

Totoo bang kailangan laging may dilig ang halaman tuwing mainit?

Totoo bang kailangan laging may dilig ang halaman tuwing mainit?
Photo courtesy: Unsplash

Bagama’t inanunsyo na ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang opisyal na pagsisimula ng Habagat season sa bansa nitong Sabado, Mayo 30, patuloy pa ring nararamdaman sa iba’t ibang rehiyon ang matinding init ng panahon. 

MAKI-BALITA: Habagat season, opisyal nang inanunsyo ng PAGASA!

Kaya bukod sa mga mamamayang iniinda ang alinsangan, ang heat stress ay nararamdaman din ng mga halaman mula sa matagal na exposure sa sinag at init na mula sa araw, na nakaaapekto sa normal na paglaki ng mga ito. 

Ayon sa mga pag-aaral, ang itinuturing na akmang temperatura para sa maraming halaman ay 20 hanggang 30°C, paglagpas sa “ideal range” na ito ay delikado na para sa mga ito. 

Dahil dito, binabanggit sa iba’t ibang lathala na mahalagang alamin ng plant owners ang uri ng kanilang halaman upang maayos na madiligan ito, dahil may ilan na nabubuhay sa maraming tubig habang mayroon namang mga kinakailangan ng palagiang pagdidilig. 

Human-Interest

Bakit nga ba inaresto si Gawad Kalinga founder Tony Meloto?

Ilan sa halimbawa nito ay ang pothos, aloe vera, snake plant, at iron plant ay itinuturing na “low maintenance plants” dahil kaunting tubig lamang ang kailangan ng mga ito. 

Habang ang peace lily, ferns, pitcher plant, at hoyas, ay kinakailangan na palagiang pagbabasa ng kanilang lupang kinalalagyan. 

Sa pagdidilig naman, mahalagang tandaan ang mga sumusunod upang matiyak ang maayos na kondisyon ng mga halaman: 

1. Diligan ang halaman mula sa ugat upang makuha nito ang nutrisyong kinakailangan mula sa tubig.

2. Magdilig batay sa panahon. Tandaan na sa mainit na klima, mas mabilis matutuyo ang lupa kumpara sa mga halamang nasa lugar na mayroong malamig na klima. 

3. Ang mga halamang nakalagay sa mas malaking paso ay mas malaking water storage kumpara sa maliliit na lagayan. 

4. Panghuli, ang mga halamang may “droopy” na mga dahon ay kadalasang senyales ng pagka-uhaw nito sa tubig at kinakailangan na ng dilig. 

MAKI-BALITA: ALAMIN: Mga halamang nabubuhay kahit kulang sa dilig!