May 30, 2026

Home BALITA Probinsya

‘Heat stroke,’ dahilan ng pagkasawi ng dalawang trainee cadets sa Tarlac – PA

‘Heat stroke,’ dahilan ng pagkasawi ng dalawang trainee cadets sa Tarlac – PA
Photo courtesy: Training Command, Philippine Army (FB)

Inanunsyo ng Philippine Army (PA) nitong Sabado, Mayo 30, na heat stroke ang dahilan ng pagkasawi ng dalawang trainee cadets na sumasailalim sa kanilang training sa Capas, Tarlac, kamakailan. 

Saad ng PA sa kanilang pahayag na batay sa medical diagnosis nina Candidate Soldiers (CS) Johndyl L. Lemosniro at Junel L. Flores na ang kanilang mga katawan ay nakaranas ng overheat bunsod ng exposure sa mataas na temperatura sa kapaligiran kasabay ng intense physical activity, na nauwi sa heat stroke. 

Dahil din dito, sina Lemosniro at Flores ay nakitaan din ng brain complications at pamamaga o encephalopathy. 

Binanggit ng PA na agad nilang pinaglaanan ng medikal na atensyon ang kanilang trainee cadets at dinala pa sa Camp O’Donnell Medical Treatment Facility (CODMTF). 

Dahil na rin daw walang malay ang mga ito at nasa kritikal nang kondisyon, ang medical staff ay agad na nagsagawa ng endotracheal intubation upang matulungan ang trainees sa kanilang paghinga. 

Probinsya

2 lalaking sinubukang dukutin ang isang lolo, kinuyog!

“The Philippine Army emphasizes that immediate medical intervention was provided. Upon showing symptoms, both individuals were rushed to the Camp O’Donnell Medical Treatment Facility (CODMTF). Because they were unconscious and in critical condition, medical staff immediately performed endotracheal intubation to secure their airways and assist their breathing,” saad ng ahensya. 

Saad pa ng PA, upang matiyak na mas maayos ang pangangalagang matatanggap nina Lemosniro at Flores, isinugod pa sila sa Tarlac Provincial Hospital. 

“To ensure they received the highest level of specialized care, they were promptly transferred to the Tarlac Provincial Hospital for advanced laboratory testing and intensive treatment. Regrettably, despite the exhaustive life-saving efforts of the medical teams at both facilities, both trainees passed away,” dagdag pa ng ahensya. 

Samantala, nakikiramay ang PA sa mga pamilyang naulila nina Lemosniro at Flores at ipinanawagan nila sa publiko ang dasal para sa mga ito. 

Matatandaang unang kinumpirma ng PA ang pagpanaw ng kanilang cadet trainees noong Biyernes, Mayo 29.

Kung saan ayon sa panayam ng media kay rmy spokesperson Col. Louie Dema-ala, nasawi ang trainees sa kasagsagan ng kanilang formation training noong Martes, Mayo 26. 

MAKI-BALITA: 2 trainee cadets, nasawi sa kalagitnaan ng training – PA