May 30, 2026

Home FEATURES Human-Interest

‘Ubos na ubos?’ Tips para malagpasan ang ‘creative block’

‘Ubos na ubos?’ Tips para malagpasan ang ‘creative block’
Photo courtesy: Unsplash

“Walang mapiga!”

Para sa maraming manlilikha o creatives, isa sa maituturing na “struggle” ang tinatawag na “creative block” o ang kawalan ng inspirasyon at ideya sa paggawa, na nauuwi sa kawalan ng motibasyon upang matapos o masimulan ang isang output. 

Habang personal at iba-iba ang rason sa likod ng creative block, kadalasan itong dulot ng self-doubt o pagdududa sa sarili, pagkukumpara sa iba, performance anxiety, at pagkatakot sa kritisismo at rejection. 

Kaya batay sa iba’t ibang pag-aaral, narito ang ilang paraan upang malagpasan ang creative block at tuluyan nang matapos ang sinimulan o sisimulan pa lamang na proyekto: 

Maglaan ng oras upang lumikha

Human-Interest

Paano maging ‘supportive’ sa partner tuwing may buwanang dalaw siya?

Sa kabila ng pagiging abala sa mga gawain at responsibilidad, ipinapayo ng ilang manlilikha na mahalagang maglaan ng oras sa ginagawang proyekto. 

Sa oras na ito, mahalaga ring wala ang anumang distraction tulad ng social media upang madisiplina ang katawan at utak sa bagong routine. 

Maging bukas sa kritisismo 

Dahil isa sa mga dahilan ng creative block ay ang pagkatakot sa kritisismo at rejection dahil nakikita ng mga manlilikha ang kanilang gawa bilang extension ng kanilang sarili, mahalagang tandaan na hindi dapat pinepersonal ang mga kritisismo. 

Ang kinakailangan dito ay ang pagkakaroon ng panibagong mindset at lalong pagkilala sa sarili at layon ng proyekto. 

Iwasang ikumpara ang sarili sa iba 

Isa pa sa mga kalaban ng maraming manlilikha ay ang pagkukumpara sa iba at kanilang proseso ng paggawa, lalo na sa patuloy na pag-usad ng social media. 

Ipinapayo ng mga manlilikha na bawat tao ay may kakaiba o unique na pinagdadaanan at pagpapahayag sa sarili, at habang hindi masama ang pagkuha ng inspirasyon sa iba, ang paghulma ng sariling boses ay mas mahalaga sa paglikha. 

Subukan ang “decluttering” o pagbabago ng creative space

Ang decluttering o pagpapalit ng creative space ay nakatutulong din, ayon sa mga manlilikha upang ma-”refresh” ang utak at magkaroon ng mga panibagong inspirasyon at motibasyon sa paggawa. 

Maaari itong gawin sa pamamagitan ng pagpapalit ng lighting sa creative space, pagdadagdag ng mga anik-anik, quotable quotes na sumasalamin sa sariling paniniwala, o kaya’y renovation ng mismong espasyo. 

Simulan ang paglikha

Upang magkaroon ng progreso sa paglikha, mainam na simulan na ito kaagad at iwasang mag-overthink ng mga bagay na hindi pa nangyayari. 

Tandaan din na sa pagsisimula, hindi agad magiging perpekto ang anumang obra, kaya dito na papasok ang disiplina upang unti-unti itong hulmahin hanggang sa matapos.