Kung ang gift ng kanyang fans kay Alden Richards ay four LED video screens sa kanyang 28th birthday kahapon, ang birthday gift naman ng aktor sa kanyang supporters ay ang pagpo-post ng hubad niyang katawan na kita na ang abs.

Alden Richards 12.31.19

Pagbati lang na “Happy New Year everyone” ang caption ni Alden sa kanyang post at actually, hindi na kailangan ang mahabang post, at nagkagulo na ang kanyang fans.

Nakakatuwang basahin ang comments ng fans na tinawag na “pasabog” ang ginawa ni Alden.

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

Bukod sa physical na pasabog, may good news pang ibinalita si Alden at ito ay ang kanyang major concert sa Smart Araneta Coliseum sa July 25. Wala pang title at wala pang line up ng guests sa concert to be directed by Paolo Valenciano.

Bago ang July 25, concert, may birthday concert bukas, Enero 4 si Alden sa Enchanted Kingdom na produced ng Enchanted Kingdom. Kabilang sa guests sina Ysabel Ortega, Thia Tomalla, Paul Salas at Kristoffer Martin.

Sa Sunday naman, pangungunahan ni Alden ang premiere ng All-Out Sunday at balitang siya rin ang host ng Centerstage, ang bagong singing competition for the kids.

Tuloy pa rin ang The Gift na extended up to February at guests ngayon sina Dexter Doria at Biboy Ramirez. Hindi pa rin nasasabi kay Sep (Alden) ni Strawberry (Jo Berry) na si Nadia (Jean Garcia) ang real mom niya.

Going back sa LED birthday greetings kay Alden, nakataas ‘yun sa Robinsons Forum sa may EDSA/Mandaluyong, Guadalupe sa Makati, Fuente Osmeῆa sa Cebu at MOA Globemaze na nakataas from 6am to 11am.

Nagkaroon din ng charity events at mass na in-organize ng fans ni Alden to celebrate his birthday.

-Nitz Miralles