ILANG araw bago ang nalalapit na pagtatapos ng 2019, ating balikan ang mga Filipino female celebrities na naging agaw-atensyon ngayong taon, positibo man ito o negatibo.

Jane de Leon

Jane

Mula sa pagiging “baguhan” na actress, lumipad ang kasikatan ni Jane de Leon matapos siyang mapili na gumanap sa natatanging role ng Darna. “Unanimously” chosen ang aktres ng Star Cinema executives, matapos mag-back out si Liza Soberano, dahil sa health reasons.

Tsika at Intriga

'Di ba puwedeng bawasan, parang ang bigat dalhin?' Xyriel, rumesbak sa body shamer

Sa ngayon, abala na ang dalaga sa paghahanda sa kanyang role. Bagamat f e e l i n g pressured, nangako ang aktres na hindi madi-disappoint ang mga tao.

Kathryn Bernardo

Kathryn

S A k a n y a n g mga pagkilala na natanggap, hindi maipagkakaila na si Kathryn Bernardo n g a a n g “most successful actress of her generation.”

Ang 23-anyos na aktres ang una at tanging Pinay na aktres sa kasalukuyan na nakaabot ng 800- million mark para sa kanyang dalawang pelikula. Isa noong 2018 para sa kanyang The Hows Of Us, at ang Hello, Love, Goodbye ngayong taon.

Year 2019 was really good to Kathryn dahil sunod-sunod ding award ang kanyang natanggap.

Barretto sisters

BARRETTO SISTERS

WALANG duda na most controversial female celebrities ngayong taon ang magkakapatid na Barretto, sina Gretchen, Marjorie, at Claudine dahil sa kanilang long-standing feud, na muling sumiklab nitong Oktubre sa kasagsagan ng burol ng kanilang ama na si Miguel, kung saan napaulat ang komprontasyon nila. Naging ‘national issue’ nga ang drama na ito matapos madamay sa gulo ang ilang pangalan tulad nina Atong Ang, Mayor Recom Echiverri, at maging ni President Duterte.

Julia Barretto

Julia

SPEAKING o f the Barrettos, kontrobersiyal rin ang anak ni Marjorie na si Julia.

Nasangkot sa matinding eskandalo ang actress dahil sa umano’y makakaugnay nito ‘romantically’ kay Gerald Anderson. Sumabog ang issue, nang ibulgar ng publicly known girlfriend ni Gerald, si Bea Alonzo na walang naganap na ‘official’ break up sa pagitan nila ng aktor, at “[he] just started not talking to her.” Dito umusbong ang pagsikat ng term na “ghosting.”

Samantala, nang mga panahong ito ay nababalita na rin ang naging pakikipaghiwalay ni Julia kay Joshua Garcia. Sa kabila ng mga ito, nanindigan si Julia na wala siyang kinalaman sa naging breakup nina Bea at Gerald.

Kalaunan, binanggit ni Julia si Bea, para sa umano’y pangbu-bully nito, bilang pagtukoy sa mga Instagram activities ni Bea, kabilang ang pagla-like ng mga post sa umano’y ‘affair’ nina Julia at Gerald.

Kris Aquino

Kris

THIS napasabak si Kris Aquino sa isang year-long legal battle with her former business manager, Nicko Falcis.

Naghain si Kris ng 44 counts of Qualified Theft and Violation of Access Devices Regulation Act of 1998. Kung saan inaakusahan ni Kris si Nicko ng pagnanakaw ng mahigit milyon piso, dahil sa umano’y “unauthorized and personal use of a credit card meant for Kris Cojuangco Aquino Production (KCAP), Kris’ online company.”

Kalaunan, nagsampa naman ng kaso si Nicko para sa grave threat complaint laban kay Kris. Ito ay base umano sa isang recording of their phone conversation kung saan maririnig ang umano’y pagbabanta ng aktres.

Ilan naman sa mga kasong isinampa ng dalawa ang na-dismiss dahil sa kawalan ng probable cause. Nitong October 2019, naglabas ang Divina Law, kumakatawan sa kaso ng actress, na nagsasabing “[Kris and the Falcis brothers] have fairly settled all financial issues and amicably worked out all personal differences.”

Hindi naman malinaw kung lahat ng kaso ay nalinis na.

-REGINA MAE PARUNGAO