PASOK sina Kapamilya stars Liza Soberano at James Reid, sa inilabas kamakailan na TC Candler’s “100 Most Beautiful/Handsome Faces” ng 2019.

LIZA_MOST BEAUTY Daniel_MOST HANDSOME JAMES_MOST HANDSOME JESSY_MOST BEAUTY

Ikalimang bases nang lumabas sa elite list si Liza na nasa 10th spot ngayong taon nang “100 Most Beautiful Faces” matapos mag-rank ng 4th place noong 2018 at makuha ang top spot noong 2017.

Kasama ni Liza sa listahan ang Pinay at Kapamilya actress din na si Jessy Mendiola sa 93rd spot.

Beauty Gonzalez, sinita sa paraan ng paghiwa ng kalabasa

Samantala, pasok naman ang singer-actor na si James Reid sa 42th spot ng “100 Most Handsome Faces,” ang ikatlong appearance ni James sa listahan. Nasa 21st ranking last year ang aktor.

Habang pasok din sa 50th place ang Filipino model na si Daniel Matsunaga sa listahan.

This year nakuha ng K-pop idol at Twice member na si Tsuyu ang unang pwesto, na sinusundan nina Yael Shelbia, 2nd; Lalisa Manoban, 3rd; Thylane Blondeau, 4th; at Naomi Scott, sa ikalimang puwesto.

Isa ring K-pop idol, ang nakakuha ng No.1 spot para sa “Most Handsome Face,” si Jungkook ng BTS, na sinusundan nina Felix Kjellber, famously known as Pewdiepie, sa second spot, Shawn Mendes sa third spot, Kim Tae-hyung “V”sa fourth, at ang last year’s number one, Jason Momoa sa ikalimang puwesto.

Mula 1990, ang elite list ay inilalabas ng TC Candler at The Independent Critics.

-GABRIELA BARON