NASA ikalawang puwesto pa rin sa ikalawang araw ng 45th Metro Manila Film Festival ang pelikula ni Aga Muhlach na Miracle in Cell No. 7, base ito sa aming source pero walang ibinigay na figures.

aga1, miracle in cell no. 7

As expected, napananatili ni Vice Ganda ang pelikula niyang The Mall The Merrier na nasa unang puwesto kahit na binanggit sa amin na konti lang ang nanood sa Resorts World Manila noong opening day, sa ikalawang araw ay konti rin sa Promenade 3 Greenhills (2nd screening) at SM Megamall (1st screening) ay hindi pa rin nakaapekto ito.

May binanggit na figures sa amin ang The Mall The Merrier sa unang araw at binanggit namin ito sa taga-Star Cinema pero sinabihan kami ng, “more pa po.” Sa madaling salita almost P100M ang kinita ng pelikula ni Vice nu’ng araw ng Pasko?

Pelikula

Remastered ‘Jose Rizal’ movie, eere na sa Netflix sa Rizal Day

Kaya naman pala abut-abot din ang pasalamat ng TV host/actor sa ginawa niyang theater tour sa lahat ng tumangkilik ng pelikula niya at paulit-ulit din naman niyang binanggit na pampa-good vibes lang ang The Mall The Merrier.

Nasa ikatlong puwesto ang 3pol Trobol: Huli Ka Balbon ni Coco Martin na ang sitsit sa amin ay nasa ikalawang puwesto ito noong Disyembre 25 pero kinagabihan ay naungusan ito ng Miracle in Cell No. 7.

“Hindi naman malaki masyado ang lamang, pero nitong Huwebes (Disyembre 26) ay lumamang na ng husto ang pelikula ni Aga,”sabi ng source.

Halos sabay ng araw (opening day) na naglibot sa mga sinehan sina Vice at Coco kaya tuwang-tuwa ang lahat ng mga nakakita sa dalawa.

At sa ikalawang araw ay ang cast naman ng Miracle in Cell No. 7 sa pangunguna ni Aga ang naglibot naman sa mga sinehan para personal na pasalamatan ang lahat ng taong sumuporta sa pelikula nila kaya gulat at natuwa ang mga taong nanonood ng bigla i-anunsyo na naroon ang aktor at ibang kasama nito.

Sa pang-apat na puwesto ay ang pelikulang Mission Unstapabol: The Don Identity nina Vic Sotto at Maine Mendoza. Mukhang kuntento naman na si bossing Vic dito dahil sabi nga niya gusto lang niyang magpasaya ngayong Pasko at Bagong Taon dahil graduate na siya sa pakikipag-agawan sa box office hits.

Si Maine ang nakita ng lahat na nag-theater tour nu’ng Pasko at base sa kuwento sa amin ay napakaraming supporters ng aktres.

Hmm, marami pala bakit parang kinapos para umangat sa ranking ang Mission Unstapabol? Pansin din namin na halos lahat ng pelikulang ginawa ni Maine ay hindi naman box office hits? Maski na noong sila pa ni Alden Richards ang love team, hindi rin malakas. Asan na ang diehard fans niya? Puro lang ba sila hanash at nagawa sa social media?

Going back to Aga ay marami ang humuhula na magtatapos ito sa gross na P400M-P500M or more kung mananatili siyang number 2 sa ranking.

Samantalang si Vice ay P600M – P700M kapag napanatili niyang number 1 siya sa pagtatapos ng MMFF 2019.

“Pero sa awards, si Aga ang best actor at posibleng maging best picture pa ang Miracle in Cell No. 7. Si Judy Ann (Santos) na sure sa best actress at best float ang Mindanao. Puwede ring best picture ang Culion,” sabi sa amin ng ilang movie observers sa industriya.

-REGGEE BONOAN