June 08, 2026

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Claudia Barretto, pinatatanggal na raw apelyidong 'Baldivia;' Dennis Padilla, sad Papa!

Claudia Barretto, pinatatanggal na raw apelyidong 'Baldivia;' Dennis Padilla, sad Papa!
Photo courtesy: Dennis Padilla, Claudia Barretto (IG)

Ibinahagi ng comedy actor na si Dennis Padilla ang tila legal na hakbang ng kaniyang anak na si Claudia Barretto na huwag nang gamitin ang tunay niyang apelyidong "Baldivia" at gamitin na lamang ang apelyidong "Barretto" ng kaniyang inang si Marjorie Barretto.

Sa kaniyang Instagram post nitong Lunes, Hunyo 8, ipinost ni Dennis sa kaniyang Instagram account ang isang tila legal na dokumento kung saan makikita ang petitioner na si Claudia Isabelle Barretto Baldivia na pumepetisyong tanggalin na ang apelyidong "Baldivia" sa kaniya at tawagin na lamang siyang Claudia Isabelle Barretto.

Ang apelyidong Baldivia, ay tunay na apelyido ni Dennis, na ang buong pangalan ay Dennis Esteban Dominguez Baldivia. Ginamit ni Dennis ang screen name na "Dennis Padilla" bilang pagsunod sa screen name naman ng kaniyang pumanaw na amang si Dencio Padilla, na ang totoong pangalan naman ay Prudencio Baldivia.

Nakasaad naman sa dokumento na ang respondents ay mula sa Office of the Solicitor General, Local Civil Registrar ng Quezon City at Muntinlupa City, at Philippine Statistics Authority (PSA).

Hindi naman naiwasan ni Dennis na magpahayag ng kaniyang kalungkutan dahil sa naging hakbang na ito ni Claudia.

Tsika at Intriga

Bea Alonzo, naispatang wala nang suot na engagement ring?

Mababasa sa text caption sa nabanggit na larawan "Kung ang lungkot ko ay kasiyahan mo anak... Hindi magbabago ang pagmamahal ko syo Claudia- Papa."

Sa mismong caption ng post, sinabi ni Dennis na bagama't malungkot siya sa hakbang nga anak, iginagalang pa rin niya ang desisyon nito.

"Love you Claui... I respect your decision... Malungkot lang talaga," aniya pa.

Photo courtesy: Screenshot from Dennis Padilla / IG

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa mga netizen, batay sa comment section ng post ni Dennis.

"Kahit gaano ka sama Ang magulang mo magulang parin yan mamalasin din yan mga ginagawa Nila taga nyo sa bato."

"Ok lang yan sir dennis,hindi nman maalis na ikaw pa rin ang tatay nila khit ano pa mangyari..love din nman nila kayo cguro."

"Siguro you should stop posting about them po lalo kung negative things kase nakakapag patrigger yun lalo sa pagkakaroon nyo ng walls together hayaan nyo po sila sa desisyon nla dugo nyo pa din ang muka nyo ang dala nila."

"That’s how to do it. Just bend down and don’t fight them."

"wala kang pake sa anak mo boss kasi kung mahal mo yan hndi kana mag popost ng ganito para mamahiya ng anak."

"Palitan man nila pangalan nila, d naman maikakaila na ikaw ang ama nila. Ang dugo mo dumadaloy sa kanila. Pakatatag ka lang Sir Dennis. Sana balang araw ang pagpapatawad ang mamutawi sa knilang mga puso. Lahat naman ng magulang e d perpekto. Nagkakamali. Pero habang tayo ay tumatanda, lahat naman ay pwede magbago at magsisi sa mga nagawa nung nakaraan. Sana habang nagkakaedad din sila, Sana marealize nila na maikli lang ang buhay. At Sana piliin nila ang pagpapatawad."

"Habang buhay kapa sir denis bumawi kayo sa mga anak nyo , tanggalin mo yang pride mo. Ipagtangol mo mga anak mo publicly at dapat Ikaw Ang number one protector ng anak mo."

"Hayaan mo na sila, kukuda ka na naman eh."

Matatandaang bago nito, mainit na pinag-usapan ng mga netizen ang naging rant posts ni Dennis na umano'y hindi siya isinama sa entourage ng kasal ni Claudia sa partner nitong si Bats Lorenzo noong Abril 2025, bagay na pinalagan naman ng dating asawang si Marjorie, sa pamamagitan ng panayam kay showbiz insider Ogie Diaz.

Maki-Balita: Dennis kay Claudia, mga anak: 'Sana sinabi n'yo na lang 'di ako part ng entourage!'

Maki-Balita: Dennis Padilla, binudol daw ng anak: 'Father of the bride naging visitor'

Maki-Balita: Marjorie Barretto, pinabulaanang nilalayo niya ang mga anak kay Dennis Padilla

Maki-Balita: Marjorie Barretto, bumwelta kay Dennis: ‘My kids’ trigger is their father!’

Samantala, wala pang reaksiyon, tugon, o pahayag ang kampo ni Claudia tungkol sa isyu. Bukas ang Balita sa kaniyang panig.