MULA sa orihinal na petsang Enero 8, iniurong ng Enero 7 ng PBA ang Game 1 ng best-of-seven title series sa pagitan ng Barangay Ginebra at Meralco para sa 2019 PBA Governors Cup.

Ito ang unang pagkakataon makalipas ang matagal na panahon na magdaraos ang liga ng laro sa araw ng Martes.

Bunsod na rin ito ng naging hinaing ng mga opisyales at coaches ng dalawang koponan hinggil sa maikling panahon upang makapaghanda at makapagpahinga para sa Game 2 na gaganalin naman sa araw ng Biyernes sa Lucena City pagkatapos ng Game 1 na idaraos sa Araneta Coliseum.

“Both teams pointed out yung small amount of time para magpahinga at mag-prepare for Game 2 which is a Friday kung ang start ng finals is Wednesday,” pahayag ni PBA commissioner Willie Marcial sa panayam nito sa Spin.ph.

'Aapela raw!' John Amores 'di tanggap pagkawala ng professional license?

“And yung sa Lucena [game] hindi na rin namin mai-move dahil matagal ng kasado yan,” dagdag nito.

“Ngayon kung mag-a-adjust kami pababa, magugulo yung buong schedule ng finals. Kaya ang pinaka-feasible talaga is to adjust pataas, and that is to play Game 1 on a Tuesday.”

-Marivic Awitan