LAST December 26, may nag-post na ng unofficial ranking ng walong pelikula sa 45th Metro Manila Film Festival (MMFF): (1) The Mall The Merrier (2) 3Pol Trobol: Huli Ka Balbon (3) Miracle in Cell No. 7 (4) Mission Unstapabol: The Don Identity (5) Sunod (6) Mindanao (7) Culion (8) Write About Love.

Pokwang, Maine, Vic at Jake

May malungkot lamang balita, kung totoo, na may isa na raw entry ang na-pull out na noong first day dahil isa lamang ang nanood. Kagabi ay ginanap na ang MMFF Awards Night kaya tiyak na may mga pelikulang mababago ang ranking. May nagsasabing sana raw ay mag-number one sa takilya ang Miracle in Cell No. 7 ni Aga Muhlach, tingnan natin kung mangyayari iyon.

Ang nakakatuwa ay ang mga nakapanood na ng Mission Unstapabol: The Don Identity nina Vic Sotto at Maine Mendoza. Hindi nag-aspire si Bossing Vic na manguna sa box-office, gusto lamang niyang patuloy na magbigay ng saya sa mga manonood tuwing MMFF. At mukhang napasaya nga niya ang mga nanood. Narito ang ilang comments nila sa Twitter: Ram Jaguar: So ayun po ang ganda ng #Mission Unstapabol, isang lehitimong pagpapatawa ang napanood ko walang halong panglalait sa kapwa, mahusay na pag-arte at magandang istorya! Very nice action-comedy movie!; Reyster Nofuente Mission Unstapabol won’t waste your money!

Tsika at Intriga

McCoy De Leon, Joshua Garcia nagkita sa ABS-CBN Christmas Special?

Kel If you are planning to watch MMFF with your parents/family and trying to determine which film to watch, go see Mission Unstapabol, it’s surprisingly good.

Anne Hathaway Watched 3 pinoy movies today w/Lola and pamangkins A review thread: The Mall, The Merrier : 2.0/5; 3PolTrobol: Huli Ka Balbon 3.8/5; Mission Unstapabol 4.5/5

Russaassured Im shook that bossing’s movie would impress me, twas a good plot with ‘old but gold’ comedy plus the adequate acting needed was shown.

Gerome Grabe ang inimprove ng mga pelikula ni Vic Sotto mula nung natanggal siya sa MMFF 2016. From Meant To Be, to Jack Em Popoy to Mission Unstapabol, may lalim. Hindi rush. Magugulat ka. Higit sa lahat, walang ads.

Jesell Senobio, Ayan na naman yung mapapasama ka sa mga lola mo because of Maine pero ang ganda ng movie, swear # MissionUNSTAPABOLNowShowing

At in fairness, bilang sagot sa request ng mga fans, ang Team Abroad, na mapanood nila ang movie, simula na ngayong Sabado, December 28, 29 at sa January 3, ang international screening sa Australia at sa USA sa January 3 – 9, 2020.

-Nora V. Calderon