Nag-celebrateng kanilang 9th wedding anniversary sina Ogie Alcasid at Regine Velasquez by inviting their friend sa tinawag ni Sharon Cuneta na “Regine and Ogie’s Anniversary Dinner. Dec. 22, 2019.”

Nakita namin sa picture na kasama ni Regine sina Sharon, Iza Calzado, Sarah Geronimo, Zsa Zsa Padilla at Judy Ann Santos. Sa isa pang picture, kasama nina Regine at Ogie ang pamilya ni Sharon mula kay Sen. Kiko Pangilinan at mga anak na sina Frankie, Miel at Miguel.

Invited si Sarah sa pa-dinner nina Ogie at Regine at ibig sabihin, friends sila ni Regine, kaya sana matigil na ang ibang fans sa pagpapaaway sa dalawa dahil lang sa pagsasamahan nilang concert na Unified. Ginagawang isyu ang bentahan ng tiket, kung sino ang panonoorin at nitong huli, pati reserved seats sa Smart Araneta Coliseum ay isyu rin sa fans.

Ang Unified pala ay naka-schedule sa February 14 and 15, labas na ang tiket na almost sold out na. Ang Viva Live Inc., ang producer ng concert.

Karina Bautista, PH navy reservist na

-Nitz Miralles