NASA Incheon, South Korea na sina Alden Richards, his youngest sister Angel and Daddy Bae. Based sa tweet ni DB yesterday morning, na “yung feeling na tinitingnan mo mga anak mo habang pareho pa silang tulog...” mukhang pagtulog nga agad ang inuna ni Alden pagdating nila roon.

Naging very busy kasi si Alden bago siya nagbakasyon. Last Friday maghapon siyang nag-taping ng The Gift na nagtapos sa Christmas party ng cast at production staff and crew sa Concha’s Quezon City ng actor na inabot na ng madaling-araw.

Saturday morning naman, maaga ring naghanda si Alden dahil 1:00p.m. ang wedding nina Rodjun Cruz at Dianne Medina na isa siya sa groomsmen kasama sina Rayver Cruz, Kristoffer Martin at Matteo Guidicelli, na ginanap sa Manila Cathedral. Inabot na rin sila ng midnight sa wedding reception sa Sofitel Manila.

At before lunch ng Sunday, December 22, flight nila to South Korea. Hindi na rin nakasama ang sister ni Alden na si Riza dahil siya ang nagma-manage ng McDo Binan nila sa Laguna.

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

Pero bago umalis, tinanggap na ni Alden ang gift sa kanya na isang Honda X-ADV Scooter 750cc, na ini-deliver sa kanya sa taping niya ng “The Gift” last Friday, matapos niyang mag-guest sa Christmas party ng Welltek sa Talavera, Nueva Ecija. Sabi ay malaking halaga rin ang presyo ng scooter. Dahil doon, si Alden na kaya ang susunod na endorser ng Welltek?

Babal ik din si Alden sa December 28 dahil may taping na siya muli ng The Gift sa December 30.

-NORA V. CALDERON