HAHARAP ngayong hapon kay Pangulong Rodrigo Duterte ang mga bayaning atleta na nagbigay ng karangalan sa bansa buhat sa katatapos na 30th Southeast Asian Games (SEAG).

Ang nasabing courtesy call ay gaganapin alas-4 ng hapon, kung saan sasamahan ni Philippine Sports Commission (PSC) chairman William “Butch” Ramirez ang mga atletang nagwagi sa kani-kanilang mga sports.

Bukod dito ay ipamamahagi din mismo ng Pangulong Duterte ang mag naipangakong insentibo para sa para sa mga atletang nagmarka para sa kampanya ng bansa sa nasabing biennial meet alinsunod sa Republic Act 10699.

Tatanggap ng halagang 300 libong piso ang mga atletang nagwagi ng gintong medalya, habang 150,000 piso naman ang para sa nagwagi ng silver medal at 60,000 naman ang para sa nakakuha ng bronze medal.

Bukod sa insentibo na matatanggap buhat sa Malacanang, nagbigay din ng insentibo ang Philippine Olympic Committee (POC) para sa mga nagwagi ng kaparehong halaga.

Manny Pacquiao, nag-ceremonial first pitch sa gitgitan ng Yankees at Athletics

“The PSC board has been working very hard to give every possible support that we can muster as a small agency under the Office of the President,” pahayag ni Ramirez sa kanyang naunang mensahe.

“This is a result of all the sacrifice and hard work of everyone who pushed for chances at victory. This victory is very sweet given the many difficulties we had to face. This win proves that we can achieve a lot when we come together united as one team,” pahayag ni Ramirez.

Nakuha ng bansa ang overall championship sa pamamgitan ng 149 gintong medalya na kasamang 117 na silver at 121 na bronze sa kabuuang 387 medalya.

Kabilang sa mga tatanggap ay ang tatlong world Champions na sina Carlos Yulo ng gymnastics, EJ Obiena ng athletics, Nesthy Petacio ng boxing, kasama sina Margielyn Didal ng skateboarding, Hidilyn Diaz ng weightifting, Eumix Marcial ng boxing at iba pang dekalibreng mga atleta.

-Annie Abad