MAY isyu sa Unified concert nina Regine Velasquez at Sarah Geronimo dahil sa tweet ni Cacai Velasquez-Mitra (sister ni Regine) na “Tickets as of Dec. 15, 11pm. Less than 12 hours and we’re almost sold out except for the Upperbox and GA!!! Yehey!!! @reginevalcasid @vivaliveinc.”

Regine at Sarah1

Ang kasalanan ni Cacai kung kasalanan man ay hindi niya na-tag si Sarah at ang feeling ng fans ni Sarah, sinolo na i-credit ni Cacai kay Regine ang almost sold out na tiket sa concert na gagawin sa Smart Araneta Coliseum sa February 14 & 15, 2020.

May nag-tweet ng “hindi po yan solo collab pa yan bakit may ganito tag natin si Viva @vivaliveinc @Viva_Ent @vivatvchannel @Viva Artists taking ko lang po kanino po na ito concert. Solo po ba ito ni Ms Reg.”

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

May nag-tweet pa ng “kapal ng mukha niyo kong walang sarah g hindi mag so-sold out yan bwesit ka... kapal ng mukha...manggagamit.”

May mas masakit pang nag-comment ng “Sorry not sorry pero na offend nyu po ang Posters miss @cacaimitra collab concert po yan, hindi po solo concert anjan nga po mukha ni SG sa popster eh. Eto ako magta-tag kahiya naman. @JustSarahG yeheeeyy sold out ang concert nyo!!!”

Hindi na nakatiis si Regine at siya ang sumagot sa bashers ng kapatid. “Gusto ko lang sabihin na sa lahat ng concert na gagawin ito lang ang may issue. My sister probably didn’t know Sarah has a twitter account and you guys are making such a big deal about it. Obvious ba na collab ito naka tag viva right?”

“Sa dinami dami kong collab na ginawa ngayon lang kami naakusahan na we are taking all the credits. Nakaka disappoint I have never experienced this. And I haveworked with a lot of artists. Sorry but you guys are breaking my heart.”

Pero, may issue man o wala, tuloy ang Unified concert to be directed by Paolo Valenciano at heto nga, umariba ang bentahan ng tiket.

-NITZ MIRALLES