BAGUIO CITY – Pormalidad na lamang ang kailangan ng Manila Southwoods para sa makasaysayang ikapitong sunod na titulo sa 70th Fil-Am Invitational Golf Tournament.
Ito ang pinakamahabang winning streak sa kasaysayan ng torneo.
Halos pantayan ng Southwoods ang first round output na 155 sa naiskor na 154 sa ikalawang araw ng kompetisyon, sa pangunguna ni top man Aidric Chan na kumana ng three over par para sa 33 puntos at hilahin ang bentahe ng koponan sa 309 – may 40 puntos ang bentahe sa premiere Fil Championship flight.
Umiskor si Lanz Uy ng seven-under 62, tampok ang eagle sa No.15 para sa 43 puntos. Naitala niya ang bridies sa holes 1, 2 10, 13, 14, 16 at 17. Hataw rin si Aguri Iwasaki sa Southwoods, habang even par si Taiseu Shimuzu at ang 15-year old na si Sean Ramos.
Nangunguna rin si Uy sa individual category tangan ang 80 puntos, kasunod si Iwasaki (79 ), Chan (74), Shimuzu (73) at Ramos (72).
-Zaldy Comanda