AGAD nilinaw ni Paolo Valenciano ang una niyan post sa Instagram (IG) na last major concert na ng ama niyang si Gary Valenciano ang idederehe niya sa April 2020. Marami kasi ang nag-react at nalungkot na feeling nila, last concert na talaga ni Gary ang gagawin sa April next year.

Gary V.

“Just to clarify...NOT the last GV concert. Just the last MAJOR solo production. We still have dream collaborations (GV/SG or GV/RVA)...but lets all remember, he turns 56 next year. As much as he would love to keep doing this, his health is now our priority. Thank you for all the support.”

Kitang malungkot si Gary sa kanyang desisyon na last major concert na ang gawin sa April 2020 dahil sa pinost na photo ni Paolo, nakatungo si Gary at yakap ng mom niyang si Angeli P. Valenciano.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Nagulat ang mga nakabasa sa post ni Paolo at gusto agad alamin ang date ng concert para makabili agad sila dahil ayaw nilang ma-miss ang last major concert ni Gary.

Sa Smart Araneta Coliseum gagawin ang last major concert ni Gary, the same venue kung saan ginawa ang first major concert niya na natatandaan namin, bumili kami ng tiket para makapanood.

-NITZ MIRALLES