MASAYA ang award-winning actress na si Sylvia Sanchez, para sa lovelife ng kanyang anak, ang Kapamilya-actor na Arjo Atayde na in a relationship sa Kapuso star na si Maine Mendoza.

Sylvia at Arnold

“Basta kung saan masaya ang anak ko, masaya rin ako,” pagbabahai ni Sylvia, sa isang panayam sa kanya kasabay ng signing niya sa ALV Talent Circuit, ang talent management outfit ni Arnold Vegafria, national director ng Miss World Philippines pageant, sa Timog, Quezon City, kamakailan.

Sinabi rin niya na hindi naman siya nakikialam sa love affair ng kanyang mga anak.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Nang matanong kung aware ba siya sa naging US trip nina Arjo at Maine: “Of course! Ako ang nanay eh.” Na tinugon ng tawanan ng mga kasama naming showbiz media.

Samantala, sa Dubai nakaplanong magdiwang ng holiday ang pamilya Atayde. Na babalik sa Enero.

Hindi rin maiwasang matanong kung sasama ba si Maine sa kanilang Dubai trip, say ni Sylvia: “Hindi po. Kami lang talagang pamilya. Si Maine po doon siya sa family niya sa Christmas.”

Si Arnold naman ang mamamahala sa mga projects ni Sylvia outside television.

“Our partnership will explore on potential movies and endorsement deals,” pahayag ni Arnold.

Pagbabahagi ni Sylvia, long-time friend ng kanyang asawang si Arturo si Arnold. “That’s why it was easier for me to deal with Vegafria.”

Ibinahagi naman ng award-winning drama actress, na kasalukuyangh bumibida sa ABS-CBN primetime show Pamilya Ko, na nais niyang masubukan ang mas maraming comic roles.

“My first TV exposure was actually comedy when I worked with Rene Requiestas in “Bhoy” (1998-1991),”pag-alaala ng aktres.

Umaasa rin siya na makatrabaho ang mga icons sa Philippines movies.

“Ang dami ko pang gustong maka-trabaho. Sila Vilma Santos, Nora Aunor, Sharon Cuneta. Gusto ko pa uli maka-work si Maricel Soriano,”aniya.

-ROBERT R. REQUINTINA