IKINASIYA ni Go for Gold founder at sports ‘Godfather’ Jeremy Go ang matagumpay na kampanya ng mga atletang sinuportahan ng kanyang programa.

Kabilang sa mga atletang nasa ilalim ng pangangalaga ng Go for Gold na matagumpay na nakapagbigay ng karangalan sa bansa sa katatapos na 30th Southeast Asian Games ay sina Margielyn Didal ng skateboarding na nakakuha ng dalawang gintong medalya gayundin si John Leerams Chicano Ng triathlon na siyang naghari sa men’s division.

“I congratulate our Go for Gold athletes for contributing to the success of the country’s SEA Games campaign. With hard work, desire and perseverance, you have once again made the country proud,” pahayag ni Go.

Bukod sa mga naunang nabanggit na mga atleta, nagbigay din ng karalangan sa Go for Gold at bansa sina Jean Claude, Gina Iniong at Jerry Olsim ng kickboxing sa kani- kanilang weight category at ang biker na si EJ Flores.

Kasama rin sa pinasalamatan ni Go ang mga atleta ng wrestling na Sina Jason Baucas at Noel Norada gayundin ang tropa ng sepak takraw, canoe kayak at dragon boat.

Brandon Clarke ng Memphis, pumanaw sa edad na 29!

Mahigit limang taon nang sinusuportahan ni Go ang mga atletang Pinoy sa pamamagitan ng Go for Gold at sa pakikipagtulungan ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

‘There is nothing more rewarding than to see our athletes here at Go for Gold succeed in international tournaments such as the SEAG,” sambit ni Go, vice president for marketing Ng Powerball Marketing and Logistics Corporation.

-Annie Abad