NAKOMPLETO ng Union Bell ang ‘sweep’ sa three-leg 2019 Philippine Racing Commission (Philracom) Juvenile Colts Stakes Race nitong Linggo sa San Lazaro Leisure Park.

TINANGGAP ni Exponential owner Raymund Puyat (kanan) ang championship trophy mula kay Philracom Commissioner Reli de Leon, kasama sina Manila Jockey Club Racing Manager Ding Magboo at Philracom Commissioner Bienvenido Niles Jr.

TINANGGAP ni Exponential owner Raymund Puyat (kanan) ang championship trophy mula kay Philracom Commissioner Reli de Leon, kasama sina Manila Jockey Club Racing Manager Ding Magboo at Philracom Commissioner Bienvenido Niles Jr.

Pinatunayan ng Union Bell, itinuturing big gun sa industriya ng karera, ang katatagan at kahandaan para sa Triple Crown Series sa susunod na taon.

Hatawe ang Union Bell sa huling 400 meters para lagpasan ang Lucky Savings tungo sa dominanteng panalo sa 1,500-meter race sa bilis na 1:34.6 tampok ang quartertimes na 18, 24, 25 at 27.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Naiuwi ng Bell Racing Stable ni Elmer de Leon ang premyong P1,200,000 para kay Union Bell (sire Union Rags, USA; dam Tocqueville, ARG), mula sa kabuuang P2,000,000.00 na inilaan ng Philracom.

Nakamit ng Lucky Savings (jockey Kevin Abobo, owner Antonio Coyco) ang runner-up purse na P450,000, kasunod ang Four Strong Wind (PM Cabalejo, Alfredo Santos) na may P250,000.

“Bale sunod lang, hinintay ko mag-ultimo kuarto, kasi kilala ko naman ‘yung kalaban ko na nauuna. Hinintay ko lang na may dumikit sa akin. Pagdating ng kuarto, nilapitan ko na, ‘yung rekta okay na,” pahayag ni jockey Jonathan B. Hernandez.

“Masyado magaling ang kabayo ko. Ready na sa Triple Crown ito, mas matalas ito next year,” sambit ni Hernandez, nagwagi rin sa Philracom Juvenile Fillies Stakes Race 3rd leg nang gabayan ang Exponential.

Nakamit ni Raymund Puyat, may alaga kay Exponential (sire Algorithm, US; dam Rap, US) ang panalong P1.2 sa kabuuang premyong P2 milyon sa bilis na 1:36.6 at quartertimes na 18, 24, 26, at 28.

“Suwerte lang. Ang instruction sa akin, mauna ang coupled entry (Redhead Dancer). Bale mga tersera, kuatro puwesto lang. Paglampas ng tres octavo, kapag bandera pa ‘yung kakampi ko, rekta na lang kami maglaban. Sakto naman na ang layo ko, pangatlo sa huli. Bale safe ground, safe ground ako. Ultimo kuatro medyo traffic pa, pero noong nakalihis ako, ang tulin na ng kabayo ko sa rekta,” ayon kay Hernandez.

Sumegunda ang Carmela’s Fury (jockey JB Guce, owner Jose Antonio Zialcita ) at After Party (MM Gonzales, SC Stockfarm) sa premyong P450,000 at P250,000.