July 21, 2026

Home BALITA

LPA, malaki ang tiyansang maging bagyo sa loob ng 24 oras—PAGASA

LPA, malaki ang tiyansang maging bagyo sa loob ng 24 oras—PAGASA
Photo Courtesy: Screenshot from PAGASA (FB)

Inanunsiyo ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang malaking posibilidad na maging bagyo ang binabantayan nila low pressure area (LPA) sa loob ng 24 oras.

Ayon sa weather state bureau, as of 3 a.m. huling namataan ang LPA over the coastal waters ng San Pascual Masbate .

"Mataas pa rin po ang tiyansa nito na maging isang ganap na bagyo whether during passage niya dito sa ating kalupaan or 'yong paglagpas niya rito sa ating kalupaan at nandito na siya sa West Philippine Sea," saad ni Chenel Dominguez, weather specialist ng PAGASA.

Sa oras na maging bagyo ang LPA, babansagan itong #HenryPH at magtataas ng tropical cyclone wind signal number 1 sa ilang bahagi ng Luzon at Southern Visayas.

Probinsya

Inang nagbugaw sa mga anak na menor de edad, natimbog ng NBI!