MATAPOS kaaliwan ng mga tagasubaybay ang pagganap ni Baeby Baste bilang si Kyle sa The Gift, may bagong makakasama si Asia’s Multimedia Star Alden Richards sa serye na siguradong kaabang-abang ang karakter na gagampanan.

Alden

Pasok sa cast ng primetime soap ang beteranong actor-comedian na si Smokey Manaloto bilang si Bradley Santos, isang lalaking may koneksyon kay Helga (Sophie Albert) at may mahalagang papel sa buhay ni Sep (Alden).

Magiging kakampi kaya nina Sep si Smokey o papanig kaya siya sa mga kaaaway?

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

Na-excite naman ang mga viewers na mapanood ang aktor sa GMA lalo pa dahil sa serye ni Alden siya pumasok.

Samantala, muling nagbabalik din si Jared (Martin del Rosario) sa buhay ni Sep. Tuluyan na nga kayang lalamunin ito ng kasakiman at magplano kung paano mawawala sa landas nito si Sep?

Sundan ang mga kapana-panabik na eksena sa The Gift pagkatapos ng Beautiful Justice sa GMA Telebabad.

-MERCY LEJARDE