AKALA namin ay may marriage proposal na magaganap sa ginanap na grand mediacon ng pelikulang The Mall the Merrier na entry sa 2019 MMFF nina Vice Ganda at Anne Curtis handog ng Star Cinema at Viva Films na idinirek ni Barry Gonzales.

Natanong kasi ang bidang si Vice bilang si Moira Molina kung may sequel ang pelikula sa 2020 na The Mall The Merrier The Married. Kasi nga inamin na ng TV host/actor na 13 months na silang magka-relasyon ni Ion Perez.

At dahil sobrang nagmamahalan ang dalawa at wala silang itinatago ay natanong kung may plano silang magpakasal.

Ang ganda ng ngiti ni Vice, “na-shock naman ako, nakaka-babae naman talaga ang mga tanong n’yo sa akin ‘no? Alam n’yo habang nagtatanong kayo, sinasalat ko kung may keps talaga ako feeling n’yo babae ako. Babae ba talaga ako? Nakaka-babae.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

“’Yung sa kasal-kasal naman, nakakaloka (sabay tingin kay Ion), ‘do you like ba?’ (tawanan lalo ang lahat). Kasi siyempre ang saya ni girl, ang saya ko raw, ha, ha, ha.

Biglang nag-seryoso ang komedyante, “bilang sa kultura natin sa Pilipinas parang hindi naman okay na ang babae ang magsasabi no’n. ‘Yung concrete plans wala pa talaga pero we started to talk about it (tawanan. Okay lang ba sabihin ko (nagpaalam kay Ion at tumango naman), basta sa Tayuman station ng LRT, charot.”

Dagdag pa ni Vice“’Yung kasal, for now we’re just enjoying the relationship and everything kasi lahat beautiful and peaceful,”

Hiningan ng reaksyon si Ion na inunahan ni Vice, “oh my God, please don’t propose, I’m not ready yet.”

“Hindi po ako nagsasabi ng tapos, pero malay n’yo mangyari ‘yun,” nakangiting sagot ni Ion.

Nakausap na namin ng personal si Ion at napansin naming hindi siya showbiz na tao kaya ayaw pa niyang magpa-interbyu noon dahil nga baka madulas siya sa relasyon nila ni Vice na umabot na ng 13 months, sa madaling salita, isang taon na sila noong Nobyembre 25 dahil sabi nga nito ay may monthsary sila na sinagot naman ng binata ng, “sa Pasko, monthsary natin.”

Nabanggit ni Vice na ang nagustuhan niya kay Ion ay pursigido ito sa kanya, hindi siya ikinakahiya, holding hands sila kahit maraming tao, niyayakap siya kahit maraming tao at ang binatang taga-Tarlac pa ang nagtatanong kung bakit hindi pa nila aminin sa publiko ang relasyon nila, bakit kailangang itago.

Dito napatunayan ni Vice na seryoso si Ion sa kanya dahil gusto nitong malaman ng lahat na sila na at mahal na mahal siya at handa siyang panindigan.

“Sa iba kasing naka-relasyon ko, kaming dalawa lang ang nakakaalam hindi puwedeng ipagsabi, hindi ko alam kung seryoso sa akin, kaya naiiba si Ion talaga sa kanila,” pagtatapat ni Vice.

Bukod dito ay nabanggit din ni Vice na gusto siya ng pamilya ng boyfriend.

-Reggee Bonoan