TINAPOS ni Kurt Bryan Barbosa ang impresibong kampanya ng Philippine Taekwondo Team nang pulbusin ang karibal na si Reinaldy Atmanegara ng Indonesia, 26-10, para masungkit ang finweight division title at ikawalong gintong medalya ng koponan sa pagtatapos ng taekwondo competition nitong Lunes sa 30th Southeast Asian Games sa Ninoy Aquino Stadium.

NAPASIGAW sa labis na kasiyahan si Pauline Lopez matapos magwagi ng gintong medalya sa taekwondo ng 30th Southeast Asian Games. (RIO DELUVIO)

NAPASIGAW sa labis na kasiyahan si Pauline Lopez matapos magwagi ng gintong medalya sa taekwondo ng 30th Southeast Asian Games. (RIO DELUVIO)

Tila nagulantang ni Barbosa, 20, reigning rookie-MVP ng University Athletic Association of the Philippines, ang Indonesian sa magkakasunod na sipa sa katawan tungo sa dominanteng 12-3 bentahe tungo sa panalo para sa huling gintong nahakot ng Pinoy jins sa 22-event, three-day battle.

Hindi nakasunod si Rheza Aragon para sa Lucky 9 nang matalo kay Thailand’s Wongpattanakit Panipak, 2-35, sa women’s flyweight category.

Nakamit ng Philippines ang taekwondo championship sa 10-nation biennial meet tangan ang kabuuang 8 ginto, 9 na silver medals, kasunod ang Vietnam (4-2-5) at Thailand (3-3-5). Nakakuha ang Cambodia, Indonesia, at Malaysia ng tig-isang ginto.

Legal team ni VP Sara, sisipot sa nakaambang 'Senate impeachment trial!'

Nalagpasan ng Philippines ang 2-3-4 output sa 2017 edition sa Kuala Lumpur, Malaysia, na pinagharian noon ng Thailand (6-1-1). Mas matikas din ang marka kumpara sa 2015 SEAG hosting kung saan nakakuha ang Pinoy ng 5-5-1 medalya.

Tinanghal na ‘Most Bemedalled Pinoy jin’ si Rodolfo Reyes Jr. ng Dasmarinas, Cavite na may dalawang ginto na napagwagihan sa individual men’s poomsae at team poomsae kasama sina Dustin Jacob Mella at Raphael Enrico Mella.

Ang iba pang gold medalists ay sina Jeordan Dominguez sa men’s

poomsae freestyle, Jocel Lyn Ninobla sa women’s poomsae recognized individual, Dave Cea sa men’s kyorugi 74kg, Samuel Morrison sa men’s kyorugi 80kg at Pauline Lopez sa women’s kyorugi 57kg.

-Marivic Awitan