“PUWEDE po bang magpahinga muna? Agad-agad?” ito ang natatawang sagot sa amin ni Billet Sanggalang publicity head ng Dreamscape Entertainment at Digital dahil sabi namin na dapat umpisahan na ang Bagman 3 dahil bitin ang pagtatapos ng season 2 na napanood namin sa iWant.
Kasi naman hanggang episode 8 lang ang season 2, sana iginaya sa season 1 na umabot ng 12 episodes. ‘Yung tipong mag-iinit ka palang manood tapos na pala, ipinapakita na ang credits. Hindi pa na namin naubos inumin ang kape at pandecoco namin.
Anyway, maraming aral ang kapupulutan sa Bagman dahil ipinakita na wala kang dapat pagkatiwalaan kundi ang sarili mo lang. Dahil lahat ng taong dumidikit o kunwari nagsasabing loyal ay may vested interest at kung kanino sila makikinabang ay nandoon ‘kuno’ ang loyalty nila, pero sa huli, susuwagin ka rin, mala-ahas na bigla kang tutuklawin.
Hindi na l a l a y o s a mg a nangyayari sa showbiz bukod sa pulitika ang kuwento ng karakter ni Arjo Atayde bilang si Benjo Malaya.
Samantala, balik sa pagiging barbero si Benjo habang nakakulong at ang ganda ng katawan ni Arjo dahil ang daming pandesal dahil wala siyang ginawa kundi mag exercise sa kulunngan. Abangan ang Bagman 3.
Speaking of iWant ay may maagang regalo ngayong holiday season dahil mapapanood na ng libre ang mga Pinoy movies sa streaming service.
Sampung iba-ibang pelikula kada linggo ang maaaring i-stream ng iWant users hanggang Enero 5, 2020. Matatandaang inilunsad bilang bagong streaming platform ito noong Nobyembre 2018.
At base sa huling narinig namin ay umabot na sa mahigit 30M na ang subscriber ng iWant dahil halos kada dalawang linggo ay may mga bago silang series/pelikulang napapanood.
Simula nitong Disyembre 2 -8 ay napanood ang Can’t Help Falling In Love, The Ghost Bride, Bloody Crayons, Siargao, Meet Me in St. Gallen, This Time, The Debutantes, Ang Pambansang Thirdwheel, Da One that Ghost away, Mano Po 7 at Chinoy.
Kasama ring mapapanood ang Miss Universe 2020 at Sea Games na hindi napanood sa regular screening.
Bukod sa mga ito ay mapapanood din sa iWant ang original moie at series na Manillenials, seryeng tungkol sa masaya at masalimuot na buhay ng limang millenials.
Magtatambal naman sina Yam Concepcion at Joseph Marco sa original series na Uncoupling. Dapat ding abangan ang Pet Rangers, unang animated original series para sa mga bata.
Katuwang din ng iWant ang iba’t ibang creators, producers at direktor sa paggawa ng mga original na pelikula at serye na eksklusibong napapanood dito kabilang na ang mga viral romance na Glorious, Bagman, Ang Babae sa Septic Tank 3, Call Me Tita at MOMOL-Nights.
-REGGEE BONOAN