MUKHANG marami nang excited kung totoo ang balitang preggy na si Kapuso actress Heart Evangelista-Escudero. Minsan daw kasi nag-attend ito ng isang event, sumama ang pakiramdam nito. Pero dapat ay hintayin natin kung totoo ang balita na si Heart mismo dapat ang magbabalita.

Heart

Baka naging abala lamang si Heart sa sunud-sunod na events na pinuntahan niya lately at siyempre ay nag-worry rin siya nang sa Sorsogon mismo nagkaroon ng first landfall ang malakas na bagyong si Tisoy before midnight of December 2. Nag-post nga siya sa kanyang Instagram wall noon tungkol sa bagyo at siniguro niyang hindi magpapabaya ang asawang si Sorsogon Governor Chiz Escudero.

-NORA V. CALDERON
Tsika at Intriga

Pagbulaga ni Alden Richards sa 'It's Showtime,' pinagtaasan ng kilay