PINANGUNAHAN nina Kapuso Primetime King Dingdong Dantes at Kapuso Primetime Queen Marian Rivera, ang mga Kapusong tumanggap ng Makabata Awards mula sa Anak TV Seal Awards 2019. Sina Dingdong at Marian ay siyang kauna-unahang real-life showbiz couples na nakatanggap ng naturang award for five consecutive years, kaya elevated na sila sa Makabata Hall of Fame.

DongYan Makabata Awards

Ang iba pang Kapuso stars na nakatanggap ng Makabata Star 2019 ay sina Michael V, Alden Richards, Maine Mendoza, Bianca Umali, Carmina Villrroel and twins Mavy and Cassy Legaspi, Idol Sa Kusina hosts Chynna Ortaleza at Chef Boy Logro, Drew Arellano, Atom Araullo at Kara David.

Ang mga programa naman ng GMA Network na tumanggap ng Anak TV Seal sa Anak TV Awards 2019 ay ang 24 Oras, Aha!, Pinaka, Pinoy MD, Reporter’s Notebook, Unang Hirit, Wish Ko Lang, Brigada, Good News, Day Off, I Juander, Investigative Documentaries, PopTalk, Wagas, Biyahe ni Drew, at Kapuso Mo, Jessica Soho. Congratulations!

Relasyon at Hiwalayan

Kobe Paras, naka-three point shot na ba sa puso ni Kyline Alcantara?

-Nora V. Calderon