SUNOD-SUNOD ngayon ang projects ni Maymay Entrata. Mula sa pagka-discover sa kanya, naging modelo, endorser at ngayon nga ay bahagi ang Kapamilya aktres sa blockbuster na pelikulang Hello, Love, Goodbye.

mAYMAY

Anu ba ang dahilan kung bakit ganoon na lang kasipag ang isang Maymay Entrata? Well, sagot pa agad ni Maymay na kailangan niyang ibigay ang kanyang 100 percent sa anumang proyektong ipinagkatiwala sa kanya.

Kumbaga, andun daw ang confidence o tiwala niya sa sarili na kaya niyang ibigay ang lahat lahat para sa ipinagkatiwala sa kanyang project. Pero sa dinami-dami ng ginagawa niya ay hindi raw maiiwasan na kung minsan daw ay nasa punto siya na susuko, huh!

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

But still, napaglabanan ‘yun ng isang Maymay. Wala raw siyang karapatang sumuko sa ibinibigay sa kanya. Iniisip agad ni Maymay ang mga pagkakataon kung paano siya nagsimula at yung pinagmulan niya, huh!

Siyempre, dahil na rin sa mga proyektong ipinagkatiwala sa kanya ay may sarili na siyang ipon. Pagmamalaki pa rin naman ni Maymay na sa ngayon daw ay naging mas wais siya at hindi siya basta-basta na lang maglabas ng pera na galing sa pinagkikitaan niya.

Hindi raw naman niya itinatago na mas nagiging wais siya ngayon pagdating sa mga kinikita niya lalo na at marami siyang responsibilidad. Kumbaga, may mga taong umaasa sa kanya.

Pati pa nga ang sarili niya ay tinitipid din daw niya. Hindi raw siya basta-bastang pumapayag sa mga nagyaya sa kanya na magbabakasyon abroad. Kahit na gustong-gusto raw niya pero katwiran pa ni Maymay na gastos land ‘yun at marami aman ang pagkakataon na marating niya ang mga lugar bakasyunan na yun dahil sa shows nila, huh!

May tip rin si Maymay sa mga kagaya niyang medyo baguhan pa lamang sa mundo ng showbiz. Dapat daw na ngayon pa lang ay mag-save na ng pera at dapat daw na sila lang ang nakakalam kung saan nakatago ang pera.

-Jimi Escala