Inaminni Direk Bona Fajardo na lagi niyang sina-suggest si Louise delos Reyes kapag may gagawin siyang pelikula sa Viva Films dahil gusto niya ang aktres na una niyang nakatrabaho sa pelikulang Hanggang Kailan na ipinalabas nitong Pebrero na kinunan entirely sa Japan.

Ivan at Louise

Tulad nitong My Bakit List na kasama sina Ivan Padilla at Prince Stefan na mapapanood na sa Disyembre 11 mula sa Viva Films at BluArt Productions ay pumayag naman kaagad si Boss Vic del Rosario nu’ng banggitin ni direk Bona ang pangalan ni Louise.

At mabenta rin si Louise dahil nakatapos pala siya ng apat na pelikula ngayong 2019, pero ang isa ay sa 2020 na ipalalabas.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

Light drama ang My Bakit List dahil ang Hanggang Kailan ay heavy drama bagay na ayaw munang gumawa ng aktres ng ganito kabigat kaya nu’ng nabasa niya ang script na hindi kasing bigat ng pelikula nila ni Xian Lim (Hanggang Kailan) ay kaagad niyang tinanggap bukod pa sa type niya ang karakter niya bilang si Dess at head writer ng drama anthology. Si Ivan ay si Jake na ex-boyfriend ng dalaga.

Dahil pressured sa trabaho at stress pa sa pagiging bread winner ay nagbakasyon muna ang karakter ni Louise sa dagat kung saan siya nagmu-muni.

“Ganu’n naman yata lahat tayong mga babae kapag nasasaktan tayo, mlungkot tayo, mayroon tayong isip nagpupunta sa dagat para kumalma,” aniya.

Sakto naman dahil ang housemate at kaibigan ni Louise ay writer kaya naging madali para sa kanya dahil naka-relate siya.

“Noong single kasi ako (may boyfriend siya ngayon), lagi kong sinasamahan ‘yung kaibigan ko kung saan niya gustong pumunta kasi nga stress din siya, so ako ang driver niya, kaya nga sakto itong role ko sa movie, kasi akong- ako, magda-drive sa malayo, gustong mapag-isa,” kuwento ng aktres.

Ang binabanggit na housemate at kaibigan ni Louise ay writer ng Wattpad at nakailang libro na rin.

Walang masyadong maibigay na detalye sina Louise at Ivan sa My Bakit List dahil baka ma-preempt nila ang pelikula.

“My character here is a mistake, “sabi naman ni Ivan. “Hindi ko kasi naibgyan ng pansin ‘yung love niya, nabalewala ko.”

Sa Ilocos Norte ang location ng My Bakit List at natatawang kuwento ni Louise na walang signal sa hotel nila kaya kinakailangan pang pumunta sa pampang para magka-signal.

At ang kuwento ni Louise tungkol sa kanyang leading man ay tuwing umaga ay nagyo-yoga ito bago magsimula ng trabaho at dalawang beses ginigising ng PA niya.

“Very professional si Louise okay siyang ka-trabaho,” sabi naman ni Ivan

Samantala, hirap magsalita dahil namamaos ang aktres sa ginanap na pocket presscon ng My Bakit List dahil nag-bazaar daw siya sa village nila habang walang ginagawa.

“Namaos kasi ako, binenta ko mga gamit ko. Ito ang ginagawa ko kapag wala akong work, so ibenta ko gamit ko,” pagtatapat ng dalaga.

Isa sa planong gawin ni Louise sa 2020 ay maging fit kaya plano niyang mag-enrol ng jiu jitsu sa gym ni Ivan at free of charge raw ito sabi ng aktor basta ituloy lang ng dalaga ang pagsasanay niya.

“Oo kailangan ko kasi marami pa akong galit,” natawang sabi ng dalaga.

-Reggee Bonoan