SA December 17, ang 49th birthday ni Michael V at may post siya tungkol sa nalalapit niyang birthday. Maganda ang realization ni Bitoy at sana, gayahin ng mga celebrity na gaya niya.

Michael V.

“It’s my birthday month!

Nagpapa-renovate kami ng bahay at habang naglilipat kami, napansin namin kung ga’no karami sa gamit namin ang hindi na namin ginagamit. Meron nga ring mga bago pa na hindi pa nagagamit ever.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Parang na-guilty ako. Na-realize ko na I have everything I need and everything I want AND MORE! So we decided to do something about it.

Una, ibibigay na lang namin sa charitable institutions’ ‘yung iba. Tapos ‘yung iba, sa friends and relatives. Nagsimula na kaming magkahon para magamit ng mas makikinabang.

Pangalawa, magre-request ako sa mga kaibigan, kamag-anak at saka mga kakilala ko...baka pwedeng NO GIFTS THIS DECEMBER. I mean, no physical items.

Hindi sa ayaw kong makatanggap ng kahit ano this Christmas and birthday ko, pero kung magreregalo kayo baka pwedeng any of the following na lang:

A prayer for good health. A simple, sincere greeting. A like, Follow or subscriber sa social media accounts ko.

Biruin mo, hindi na na mahihirapan mag-isip ng ibibigay, siguradong ma-a-appreciate ko pa! It’s a win-win situation.

Happy Holidays everyone! Hope we all discover the true meaning of Christmas this year.”

Dahil sa post na ito ni Bitoy, nalaman na marami ring celebrities ang ginawa na ang gusto niyang gawin. Kabilang si Rufa Mae Quinto, kaya raw hindi maubus-ubos ang blessings niya. Pati si Jackielou Blanco na nagdo-donate sa Caritas.

Isa pala sa napansin ng netizens na bumisita sa Instagram (IG) ni Bitoy ay ang malaking bahay nitong pinapa-renovate.

-NITZ MIRALLES